LMM.07 - If I took you for granted, I apologize for acting tough

129K 4.4K 951
                                    

I woke up with a very bad hang over. Ang sakit-sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko ay napukpok ako ng bato nang paulit-ulit kaya lang hindi natuloy ang internal bleeding. I opened my eyes and sat on the side of the bed. Hinahaplos ko ang sentido ko parakahit paano ay maibsan ang masakit na parte ngunit hindi iyon sapat. Ibinukas, sara ko ang mga mata ko para luminaw kahit paano ang paningin ko – that was when I remembered that Betchay was sleeping in the same room and suddenly I had this flashback...

She was standing near me and I woke up, I saw my thing was out and she was panicking. Nasapak niya ako at iyon na ang huling natatandaan ko. Napanganga ako. Did she look at my thing?

Tumayo ako kahit gumegewang. Hinanap ko siya pero wala na siya sa loob ng kubo. Sigurado akong nasa labas siya kaya doon ko siya tinunton. I was right. She was with Nanay Lerma and they were preparing for breakfast. Napatingin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata. Halatang kinakabahan siya sa presensya ko. Sigurado akong hindi panaginip ang nangyari kagabi. Did she take advantage of me? Magagawa ba ni Betchay iyon?

"Alerica." Tawag ko sa seryosong boses. Nabitiwan niya ang hawak niyang kutsilyo. Napalunok siya. Nanlaki lalo ang mga mata niya nang maglagay si Nanay Lerma ng saging na saba at lakatan sa harapan naming dalawa.

"Ghad!" She mumbled.

"Alerica, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko pa. Tumango siya. Sumama naman siya sa akin matapos ko siyang senyasan na lumayo muna kami. Napunta kami sa ilalim ng puno ng Santelmo na iyon. She Betchay ay kagat-kagat ang kanyang labi. Hindi talaga siya mapakali.

"How did I end up sleeping on the bed last night? I was drunk. How did I get home?" I asked her. She took a deep breath first before answering me.

"Hinatid po kayo ni Hualdo, Sir."

"Si Hualdo? Did Hualdo take my shirt off?" I asked again. Her cheeks were raspberry red. I wanted to laugh but I had to suppress it for the suspense effect.

"Ha? Hindi, Sir. Ano po, ano... ako... pinusansan ko kayo kasi ano, para fresh!" Pulampula na ang mukha niya. So, was I right?

"Anddid you do anything else after that?" I was being really suspicious. Hindi naman lalabas iyon sa flashback ko kung hindi nangyari.

"Wala ha! Ghad! 'Wag mo akong pagbintangan! Don't me! Natulog na ako pagkatapos! Wala akong ginawa! Hindi ko tiningnan! Ghad! My virgin eyes!"

She walked out. Inagapan ko naman iyon at hinapit siya palapit sa akin. I was so sure.

"Sinilipan mo ako ano?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi nga! 'Wag kang bintangero!"

Tumawa ako nang malakas. Binitiwan ko si Betchay. Hinayaan ko na siyang makabalik kay Nanay Lerma. Sumunod rin naman ako at naisip kong tumulong sa paghahanda ng almusal pero agad akong tinawag ni Mang Iking.

"Totoy! Sumama sa aming mangahoy sa gubat! Kailangan natin ng panggatong."

Wala akong nagawa kundi ang sumama. Ni hindi nga ako nakapaghilamos at nakapgsepilyo. Ngayon may idea na ako kung bakit dugyutin si Apollo. Kung dito ka nga naman titira, hindi na mahalaga kung may ligo o wala.

Binigyan ako ni Mang Iking ng itak. Ang sabi niya ay gagamitin iyon sa pangangahoy. Kasama rin namin si Hualdo. Sa totoo lang ay wala akong ideya sa gagawin. I had never gone pangangahoy all my life. Ngayon ang una. Kaya ganoon na lang ang kaba ko. Baka kasi mapahiya ako.

Narating naming ang gitna ng gubat. Nagsimula nang pumutol ng tuyong sanga ng puno si Mang Iking. Ako naman ay tinitingnan ang mga ginagawa nila. I was observing the two. Mukhang alam na alam na ni Hualdo ang ginagawa niya.

Losing My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon