LMM.02- In my head it all feels the same

141K 4.5K 797
                                    

I woke up in the middle of the night because of that nightmare again. Katulad lang ng palaging mangyayari hindi na ako makakatikim dahil nakikita ko sa isipan ko ang hitsura ni Daphne na parang kahapon lang nangyari ang lahat. It'a been two years and yet the fear I have in my chest was still unimaginable. I am a coward. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mg bagay na nangyari noon at kung gaano ko pinagsisihan ang mga naging desisyon ko, lalo na at nadamay dito si Apollo.

"Achill?!"

My bedroom door opened. Pumasok si Apollo na nakatapis lang ng tuwalya at bagong ligo. Halata sa mukha niya ang pag-aalala.

"Are you okay? Dude! I heard you moaning! Akala ko may ka-sex ka, but then when you were moaning like your struggling or something like that, dalawa lang ang naisip ko, it's either, binabalatan ang putotoy mo o binabangungot ka. The first one was so unlikely to happen so, what the hell? Did you have nightmares again?!"

"I'm okay. And it's not a pototoy! It's the same size as yours!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Natawa si Apollo at tumabi sa akin.

"Iniisip mo pa rin ba iyon? I'm here now, and like you said it wasn't your fault, Achill. You were drugged." Tinapik niya ang balikat ko. Hindi ko alam kung nakakabuti para sa akin na hindi ako sinisisi ng kakambal ko sa nangyari halos dalawan taon na ang nakakalipas. He never blamed me for what happened to Daphne. Isang bagay na hindi ko maintindihan. Dapat ay magalit siya sa akin pero hindi niya ginagawa. Instead, he was killing me with kindness and it was making me think less of myself.

Mahal ko si Apollo pero nakakaramdam ako ng insecurity sa kanya. Everyone loves him. Palaging sinasabi ng mga pinsan naming babae na si Apollo ang mas matino – kahit pa may criminal record na siya o kahit nakulong siya ng tatlong buwan, ay siya pa rin ang mas mahal nang lahat. Napakahalaga sa akin ng approval ni Apollo – lalo na nang Mama ko. Wala naman siyang ipinapakitang masama sa akin pakiramdam ko ay may sama siya ng loob.

"Okay ka na ba?" Tanong niya.

"Yeah." I smiled. "Matutulog na ulit ako. Buti naman at naligo ka. Hindi ka nahiya sa asawa ni Yael. Dinala mo sa McDo, pawisan ka pa. Ang asim mo, Apollo."

He made a face. "Alyza Mae is a unique woman. I kinda like her."

Naalarma naman ako. "Kakikilala mo lang sa kanya kanina at isa pa, asawa siya ni Yael."

Nagkibit balikat lang ang kapatid ko at lumabas nang silid ko. I locked the door and went back to bed again. I could feel the chills in my bones. Lamig na hindi mapapawi ng kahit na anong init na dala ng kumot o kung anuman. The chills represent emptiness. I feel bad, up until now, because of what happened to Daphne. I still get the nightmares.

I tried going back to sleep. After all the struggles, finally I was able to sleep again. Wala nang nightmares. Nagising ako nang umaga na muli at kailangan ko nang pumasok sa trabaho. My mother is training me to be the next in line. Kaming dalawa ni Hyacinth ang next in line sa pagpapatakbo ng Consunji Hotels. Hyacinth was next in line for the Consunji Empires. Isang bagay na ikinatutuwa ng Mama ko. Sa lahat sa anak ni Uncle Yto, si Hyacinth ang pinakagusto niya – himala iyon because she never likes other people.

I got up to eat breakfast. Paglabas ko ay sinilip ko pa si Apollo. Nagulat ako nang makita ko siyang nakapatong sa isang babae. Iyong babae may suot na jawbreaker habang nakatali ang mga kamay. Napangiwi ako.

"Yuck." Bulong ko. Isinara ko ang pinto. "He could at least lock the door." I whispered to myself. Oh, well, there goes my breakfast.

Naligo na lang ako at nagbihis. Hindi na ako nagpaalam kay Apollo na aalis na ako. Baka maka-istorbo pa ako sa ginagawa niya. Paglabas ko ng unit namin ay nakita ko na lumabas rin sa kabila ang babaeng halos malunod na sa pool noong nakaraang linggo. If I remember it correctly, her name was Betchay and she was a really silly girl. Kung ano-anong pinagsasabi niya sa akin. It's obvious that she likes me. I mean, what's not to like? I am the combination of my father and my grandfather. Kaya gwapo kami ni Apollo dahil sa pinag-combine na genes ng lolo at Papa namin.

Losing My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon