LMM.05 - No need to cry about it, I cannot live without it

133K 4.3K 921
                                    

Hindi ako makatulog nang gabing iyon. Iniisip ko ang mga sinabi sa akin ni Achilles. He really did change. Kahit kailan ay hindi ko naisip na mapagsasalitaan niya ako nang ganoon. I had always perceived him as the calm and kind one. Si Apollo kasi ay may saltik talaga – kapag ayaw niyang magsalita ay hindi siya makikipag-usap sa kahit na kanino kahit na kasing importante pa iyon ng buhay at kamatayan. Samantalang si Achilles, tumatak sa akin na napakabait niya – na kahit na gaano kaliit ang tao basta taong nakipag-usap sa kanya ay pakikitunguhan niya ng maayos pero hindi iyon ang nangyari kanina.

I wiped my tears. Lalong hindi nakakatulong sa akin ang katotohanan na nasa itaas lang si Achilles. Bakit ba kasi pumayag ako sa arrangement ni Apollo na dito ako tumira sa bahay niya sa Compostela? Mas maayos kung nasa quarters ako lalo na at hindi naman ako komportable na nakikita ko si Achilles. Tuwing nandyan siya ay naaalala ko ang mga kagagahan ko sa kanya noong mabata-bata pa ako. I really hate myself because of that. Nakakadiri kaya. Parang ang jejemon ko tappos banat pa ako nang banat ng pick-up line sa kanya.

Ang masakit, hindi ko talaga ikinahiya na may gusto ko sa kanya. First meeting pa lang naming ay ipiangalandakan ko sa kanya na nalaglag ang panty ko nang ngumiti siya sa akin. I rolled my eyes.

Dapat kasi naging mahinhin ako pero hindi ko nagawa kasi, god! Ang gwapo-gwapo ni Achill noon, tapos ang bait niya pa. Niligtas niya ako sa pool.

"Dapat pala nagpanggap akong walang malay noon para na—CPR niya ako." Bulong ko sa sarili ko na ikinagulat ko naman nang ma-realize ko kung anong pinagsasasabi ko. Nakaka-oh my god! Hanggang ngayon yata ay kung ano-ano pa rin ang pinag-iisip ko.

Bumangon ako dahil nakaramdam ako ng pagka-uhaw kay Achilles – este sa tubig pala. Tang ina ko! Kung ano-ano na namang pinag-iisip ko! Bad talaga! Paglabas ko ng silid ko ay sinalubong ako ng katahimikan. Malamang tulog na si Achilles sa itaas. Ako naman ang umuukupa sa baba. Umakyat ako sa tatlong baitang ng hagdan para makapasok sa mismong sala. Tahimik akong naglakad patungo sa kusina.

Pagbukas ko ng ilaw doon ay napasigaw ako nang may makita akong nakatayo sa may ref.

"Ahh! Puke ng baka nalaglag sa kiki ng butiki!"

Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Tiningnan kong maigi kung sinong naroon, ganoon na lang ang pagkapahiya ko nang makita ko si Achilles na umiinom ng gatas, straight from the carton itself habang half-naked at pants lang ang suot.

My goodness gracious God! Nagkakasala ang virgin eyes ko! Naihawak ko sa lalamunan ko ang kamay ko. Lalo akong nakaramdam ng pagkauhaw. Oh God! Virgin pa ako pero ang dirty ng mind ko!

"Okay ka lang ba, Betchay?" Tanong niya sa akin na tila ba nagtataka. Kinalma ko ang sarili ko at saka tumingin sa kanya.

"Opo, Sir. Medyo nagulat lang. Hashtag nerbyosa, hashtag omg!" Napapikit ako at naglakad papunta sa water dispenser. Hindi ko siya tinitingnan kasi nga nagkakasala ako. Kitang-kita ko iyong sexy chest niya pati na rin iyong six pack abs niyang ang sarap-sarap dilaan. Oh my god! Stop it! Hindi ako dapat nag-iisip ng ganito.

He's my boss and he dislikes the fact that Apollo helped me get through college. Iniisip niya nga na may nangyari sa amin ni Apollo kahit na hindi naman niya dapat pakialaman ang bagay na iyon.

Pagkainom ko ng tubig ay nagpaalam na akong matutulog sa kanya. Tumalikod na nga ako pero tinawag niya pa ako. I looked at him. He was sighing.

"I want to apologize for the way I acted earlier, Betchay. Pasensya ka na. Alam kong hindi ko teritoryo ang pinapasok ko. Buhay mo iyan at kung may relasyon an kayo ni Apollo, sa kama man iyon o kung anuman, labas na ako doon, kaya pasensya ka na at hindi na ako makikialam sa kung anuman iyan."

Losing My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon