LMM.04 - The dampness of tears that left a stain where you had wept

136K 4.4K 588
                                    

Isang linggo ang matuling lumipas. Atat na atat ako sa pagdating ni Achilles sa Compostela. Alam kong hindi ako dapat makaramdam ng kaba at pagkasabik dahil wala naman kaming relasyon kundi ang pagiging boss at secretary niya --- kahit na sa maraming pelikula at nagkakatuluyan ang mga ganoong tao ay akam kong hindi naman mangyayari iyon sa amin. Ilang beses kong sinampal amg sarili ko ng reyalidad na hindi kahit kailan magiging kami kasi mayaman siya, boss ko siya at mahirap lang ako.

"Betchay, nandito na ang sasakyan ni Hualdo."

Kumabog nang napakabilis ang puso ko dahil sa narinig. Pakiramdam ko ay ako si Maria Clara na naghihintay kay Crisostomo sa azotea. Pilit kong kinakalma ang sarili ko. This is just work. Hindi naman iyon lalagpas sa kung saan naman dapat. May fiance siya. Hindi kami pwede kaya dapat ko nang kalimutan ang pagsintang pururot ko sa kanya. Hindi ako dapat nagnanasa sa isang bagay na hhindi ko naman pag-aari. Hindi ko talaga alam kung bakit hanggang ngayon ay dala o pa rin ang pagsinta ko sa kanya.

Hindi naman ako inosente. Nagkaroon na rin ako ng mga kasintahan habang nag-aaral sa college. Madalas nga akong lokohin ni Apollo noon na kapag nabuntis ako habang nag-aaral ako ay patitigilin niya ako at kukunin niya ang anak ko. Alam kong binibiro lang naman niya ako noon pero alam kong tototohanin niya rin ang sinasabi niya.

Apollo is a man of his words. Kapag sinabi niya ay gagawin talaga niya.

Kaya nga laking pasasalamat ko dahil kahit may boyfriend ako noon ay hindi naman ako naliko sa pag-aaral. Nag-iingat rin naman ako. Hindi naman ako nakikipag-sex sa kanila. Virgin pa rin ako hanggang ngayon at kapag nararamdaman ko na lumalagpas na sla sa limitasyon ko ay ako na mismo ang lumalayo.

Makaluma man kung iisipin but I'm saving myself for that one man that will meet me at the other end of the altar. Noon ay panay si Achilles ang nakikita ko sa tuwing iniisip ko ang araw ng kasal ko pero ngayon, isang faceless man ang nakikita ko doon.

Siguro lahat ng babae ay tulad ko na naghihintay sa lalaking magmamahal sa akin at tatanggapin ako sa kabila ng estado ko sa buhay.

"Betchay! Naririnig mo ba ako?" Untag sa akin ni Aimee. Isa si Aimee sa mga secretary ni Pol noon. Dalawa kaming nag-aasikaso sa mga transcations. Tinanguan ko na lang siya tapos ay tumayo na rin. Binuksan ko ang pinto ng opisina para lumabas at salubungin si Achilles. Ipapakilala ko pa siya sa lahat mamaya.

Nahigit ko ang hininga ko nang makita ko siyang bumababa mula sa sasakyan. Pinapayungan pa siya ni Hualdo – ang ex-boyfriend ko. Kaka-break lang namin noong nakaraang taon dahil sa ayoko na. Tuwing nakikipagrelasyon ako ay para bang may hinahanap akong isang bagay na tuwing hindi ko nakikita sa kanila ay nagtutulak sa akin para hiwalayan na lang sila.

Ayokong masyadong mag-invest sa isang relasyon lalo na at alam kong hindi ko naman nakikita ang sarili kong kasama ang taong iyon sa habambuhay.

Nang makalapit sila ay sinamangutan niya ako.

"Ganito ba talaga dito, Betchay? Maulan tapos kapag maulan, maputik! Ang dumi tingnan! Nabasa tuloy ang suit ko!" He talked as if he was a spoiled brat. I almost rolled my eyes. Pero ipinaalala ko sa sarili ko na pormal kaming dalawa dahil hindi naman siya si Apollo. Hindi kami magka-tropang dalawa. Nginitian ko na lang siya at humingi ng tawad.

"Sorry, Sir Achill. Hindi naman kasi ako nainform ni Kuya Kim na uulan pala sa amin ngayon." May halong pagkasarkastiko ang tono ko. Tinitigan niya ako nang masama – iyong tipong papatayin na niya ako, kaunti na lang.

"Are you mocking me?"

"Ay! Hindi, Sir! Joke lang iyon! Buti pa pumasok na tayo sa loob para mainitan ako—este kayo po pala!" Napakamot ako ng ulo at pumasok na. Sinenyasan ko si Aimee na ikuha ng maiinom si Sir Achill. Napansin kong pagdating niya sa loob ay nagpapalinga-linga siya na tila ba may hinahanap. Siguro ay hinahanap niya si Apollo. Gusto ko sanang sabihin na wala si Pol dito at talagang walang nakakaalam kahit isa sa amin kung nasaan siya.

Losing My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon