LMM.03 - Like the taste of the day you left that still lingers on my breath

127K 4.2K 617
                                    

Six years...

"Pol, Pol, kinakabahan ako, Pol..."

Mangiyak-ngiyak ako habang kausap ko si Apollo Simoun Vejar sa phone. Kalalabas ko lang ng airport noon para pumunta sa bahay nila sa Tagaytay at kausapin si Sir Hades. Hindi na kasi siya pwedeng magpakita sa bahay nila dahil na rin sa katotohanan na pinahahanap siya ni Achilles sa mga pulis. Ganoon na silang dalawa ngayon.

Ilang taon na rin ang lumipas mula nang makilala ko ang magkakambal. Ang akala ko ay mawawala na ako ng tuluyan sa buhay nila nang umalis ako sa buhay nila dahil na rin gusto kong mag-move on. Hindi dahil sa nasaktan ako dahil kay Achilles o kung anuman, pero hindi ko naman binalak na maging katulong na lang habambuhay. May pangarap naman ako sa buhay.

Nang umalis ako ay naging napakahirap nito sa akin. Maliban sa napamahal na sa akin si Yohan – ang alaga ko, at maliban sa katotohanan na mula noong sixteen years old ako ay minamahal ko na si Achilles at nagkataon na noong twenty-one na ako ay nagka-girlfriend naman siya at naging napakasakit sa akin noon – ay nakayanan ko. Kinailangan kong umalis, para sa sarili ko, para sa pamilya ko, para sa mga pangarap ko.

Hindi naging madali para sa akin ang pagsisimulang muli. Nang umalis ako sa mga Consunji ay nagtrabaho ako bilang promodizer sa isang mall. Pagod kung pagod ang labanan. Papasok ako ng alas ocho, uuwi nang halos hatinggabi na. Namayat ako sa pagod at puyat. Isang araw habang nagtatrabaho ako ay nawalan ako ng malay. Isinugod ako sa ospital at nang magisig ako, isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin – si Apollo. I knew that it was him when I didn't see a scar. He was smiling.

Tanda ko pa ang una niyang sinabi sa akin noon. Long time, no see.

Mula noon ay hindi na ako nawala sa radar ni Apollo. Tinulungan niya akong makapag-aral muli. Nang maka-graduate ako ng Business Administration ay ni-hire naman niya ako para maging assistant niya sa Compostela. Hindi lang iyon, pinag-aral niya rin ako ng iba't ibang lengwahe dahil na rin sa iba't ibang klase ng investors at kliyente namin.

At ngayon, nandito na naman ako sa siyudad. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa oras na makaharap ko siya. Hindi naman kasi malayong mangyari ang bagay na iyon lalo na at sa bahay nila ako pupunta.

Halos anim na taon na rin ang nakalipas mula nang huli ko siyang makausap. Tanda ko pa nga iyong nangyari noon. That was the moment he broke my heart.

Kung tutuusin, he was my almost first everything...

First love, first date and my first heartache...

"Pol! Ano ba? Hindi ka ba sasagot?" Napalabi ako. Napansin ko kasi na nakatingin sa akin ang driver. Baka akala niya ay nag-away kami ng boyfriend ko. Hindi ko naman boyfriend si Pol, magkaibigan kami. Para na kaming magkapatid. Alam niya iyon. Nang minsang umuwi ako sa Baguio ay isinama ko siya. He stayed for a week. Tuwang-tuwa si Nanay sa kanya ganoon din ang kapatid kong bunso. Kaya ngayon, tuwing dadalaw sila sa aki sa Compostela o kung uuwi man ako sa Baguio ay panay silang may pasalubong para kay Pol.

Hinilot ko ang sentido ko. Nakakaramdam ako ng sakit ng ulo – lalong sumakit iyon nang huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng mansyon nila. Nakadama ako ng panginginig ng tuhod. Kailangan ko nang bumaba pero hindi ko magawa. Natatakot ako. Oo nga at hindi ko alam kung nasaan si Pol pero matitingnan ko ba si Achilles sa mga mata at masasabi iyon? Alam kong hindi ako dapat makialam. Natuto na ako nang madulas ako sa alaga kong si Yohan tungkol sa pambabae ng tatay niya, nagalit sa akin noon si Alyza Mae kaya pinangako ko sa sarili ko na ititikom ko na ang bunganga kong maingay.

"Miss, baba ka ba o ano?" Tanong sa akin noong driver. Huminga na lang ako nang napakalalom saka dumikot ng two hundred para ibayad sa kanya saka ako bumaba. Hindi iisang beses na tinawag ko si Sto. Nino para gabayan ako sa misyon ko ngayong araw. Dala ko ang lahat ng papeles na kailangan ni Sir Hades para sa muling pamamahala niya sa Mining business ng pamilya nila. Praktisado na rin ang sasabihin ko. Alam kong masasabi ko iyon sa kanya sa oras na magkaharap na kaming dalawa, hindi ko nga lang sigurado kung anong mangyayari kapag si Achilles ang kaharap ko.

Losing My MindWhere stories live. Discover now