IKA-TATLUMPU'T SIYAM NA CHAPTER: UNFORGETTABLE MOMENT.... ayos!!!!

9.7K 103 37
                                    

SORRY FOR THE LATE UPDATE.

ENJOY!!!

- anonymous_pen @ ur service.

==================================================

IKA-TATLUMPU'T SIYAM NA CHAPTER: UNFORGETTABLE MOMENT.... ayos!!!!

SHIELA's POV.

9AM. OFFICE.

Naglalakad ako papalabas ng building namin.

Ewan ko lang kung bakit parang nakaramdam ako bigla ng kalungkutan.

Tapos bigla ko lang naisip si Vinz.

Kanina, tinawagan ko pa si Camille para kumustahin ito.

Ayos naman daw, nasa labas nga raw ito at nagpapahangin.

Natuwa ako sa sinabi niya kaya sabi ko, after diner mamaya ay dadalaw ako sa kanila sa ospital.

Gusto ko rin namang makausap siVinz para makumusta siya.

Hanggang sa bigla ko siyang mapansin na naglalakad  kasama ang ilang mga tao doon.

Natigilan ako.

He's wearing all white.

Tila nakakasilaw ang kanyang kaputian.

Nakangiti siya.

Sobrang maaliwalas ang mukha.

Ibang-iba sa Vinz na payat at nanghihina.

Si Vinz?

Anong ginagawa ni Vinz dito?

Paanong nakapunta siya dito gayong hindi na nga niya kayang maglakad?

Nang makalapit na si Vinz ay ngumiti lang siya at patuloy lang na dumaan sa akin.

"V-VInz?"ang naibulalas ko na lang habang hinahabol siya ng mga paningin ko.

May kakaiba akong nararamdaman.

Parang merong nangyari na hindi ko mapunto kung ano.

Ang lakas ng kaba sa dibdib ko.

Hahabulin ko sana siya pero biglang nag-ring ang phone ko.

Agad ko namang sinilip kung sino ang tumatawag,

Si Camille.

Dali-dali ko itong sinagot

"C-Camille? Bakit?"tila may kaba sa dibdib ko.

Kinabahan na talaga ako ng sobra nang marinig ko ang paghagulgol ng iyak ni Camille sa kabilang linya.

"Camille, bakit?May problema ba? May nangyari ba?"nag-aalala na ako.

Iyak lang ni Camille ang naririnig ko.

KInakabahan na ako. Ibang kaba ito.

Nakakatakot.

Alam kong merong nangyaring hindi maganda.

Ayokong tanggapin ang kutob ko para kay Vinz.

APARTMENT 143 (luv wil kep us 2geder) BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon