IKA-TATLUMPU'T DALAWANG CHAPTER: IS IT FOR REAL????... hay!

13.4K 81 24
                                    

UPDATE NA AKO...

ANG BAGAL-BAGAL KO TALAGA!!! HAHAHAHA!!!

ENJOY!!

- anonymous_pen @ ur service.

==================================================

IKA-TATLUMPU'T DALAWANG CHAPTER: IS IT FOR REAL????... hay!

SHIELA'S POV.

6PM. APARTMENT.

Binuksan ni ate Lota ang pinto ng bahay pagkatapos kong kumatok.

"Malungkot ka yata?"pansin niya.

Bahagya akong ngumiti."Si baby ko?"

"Ayan, nasa crib. Naka-dede na siya. Inaantok na nga eh."sagot ni ate Lota.

Pumasok na ako. 

Inilagay ko sa sofa ang aking shoulder bag.

"Gusto mong ipaghain na kita ng hapunan mo?"

"Busog pa po ako. Mauna na lang kayo, ate Lota. Doon muna ako sa kuwarto."sagot ko.

Nilapitan ko sa crib ang baby ko.

Ngumiti ako noong makita ko siyang ngumiti din sa akin.

Maingat kong kinarga ang aking anak.

Niyakap.

Hinalikan sa kanyang noo, pisngi at sa kanyang labi.

"Kumusta ka na, baby?"marahan kong tanong sa kanya.

Humagikgik lang siya.

Napangiti ako sabay ang pagbagsak ng luha ko sa mata.

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

Nagiging emotional na naman ako...

Habang kayakap ko siya feeling ko, malakas ako.

Unti-unting tinatanggal ng yakap ko sa baby ko ang mga kinakatakutan ko ngayong bagay..

I have my doubts.

Dahil sa nangyari sa amin ni Joshua kanina.

Kakalimutan na niya ako.

Mawawala na siya sa buhay ko...

"M-May problema ka ba, Shiela? Bakit ka umiiyak?"pag-aalala ni ate Lota.

Bahagya akong ngumiti kay ate Lota."W-Wala po. Na-miss ko lang ng husto ang baby ko. Doon, muna kami sa kuwarto..."

Nagsinungaling ako. Hindi ko pa kayang ikuwento kay ate Lota ang lahat.

"Sige... Bumaba ka na lang pag nagutom ka na."

Ngumiti na lang ako kay ate Lota.

Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko.

Tapos lumakad na ako paakyat ng hagdan.

Pumasok na ako sa kuwarto karga-karga si baby Chezka.

Hinele-hele ko siya.

Mahigpit ko siyang niyakap.

Hinimas-himas ang likod.

APARTMENT 143 (luv wil kep us 2geder) BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon