IKA-DALAWAMPU'T SIYAM NA CHAPTER: FAREWELL MUNA.... Zyra and Anjie!

14.3K 80 17
                                    

UPDATE-UPDATE DIN PAG MAY TIME... HEHEHE!!!

ENJOY!

- anonymous_pen @ ur service.

======================================================

IKA-DALAWAMPU'T SIYAM NA CHAPTER: FAREWELL MUNA.... Zyra and Anjie!

SHIELA's POV.

6AM. APARTMENT.

Kagigising ko lang.

Tila matamlay yata ang araw na ito para sa akin.

Naisip ko si Niko.

Last night...

Simula noong lumabas siya sa CR, ramdam ko na ang labis niyang kalungkutan.

Naging tahimik na rin siya at madamot na magsalita.

Oo, alam kong nasaktan ko siya.

Ramdam ko naman iyon.

Pero kailangan na niya talagang malaman ang katotohanan...

Na hindi ko pala kayang ipagpalit si Joshua sa kahit na sinong lalaki.

Napatunayan ko pa ring mahal na mahal ko pa rin siya.

Pero nakasakit naman ako...

Hindi ko rin naman kayang nakikitang malungkot si Niko.

Kahit papaano, nakita at naramdaman ko sa kanya na mahal niya nga ako.

Mabait siya at caring.

I know, handa niya akong ipaglaban sa lahat.

Pero wala akong magagawa...

Hindi pwedeng turuan at diktahan ang puso...

Tinext ko na siya.

Pero wala siyang mga reply.

Sinubukan ko siyang tawagan.

Pero hindi niya sinasagot ang phone.

Ang hirap ng ganitong pakiramdam.

Iyong tipong nakasakit ka ng damdamin ng iba.

Feeling mo tuloy ang sama-sama mong tao.

Napabuntung-hininga na lang ako.

Gusto ko mang bumangon sa pagkakahiga ko pero sadyang nakakatamad lang talaga.

Ang bigat sa pakiramdam.

Katabi ko sa higaan si baby Chezka.

Tumagilid ako at pinagmasdan ko na lang ang mukha ng anak ko habang natutulog ito.

Napangiti ako.

Kamukha niya talaga ang kanyang daddy.

Halos lahat yata ng features ng mukha ni Joshua ay nakuha niya.

Sana nga malaman na ni Joshua na anak ka niya...

Biglang tumunog ang phone ko.

Natigilan ako ng makita kong si ZYRA ang tumatawag...

Ewan ko ba, pero kabado ako nang sagutin ko ang phone.

APARTMENT 143 (luv wil kep us 2geder) BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon