IKA-LABING DALAWANG CHAPTER: BEACH PARTY... kilig much! (1)

21.5K 91 21
                                    

IKA-LABING DALAWANG CHAPTER: BEACH PARTY... kilig much! (1)




SHIELA’s POV.

6AM. APARTMENT.

Bigla akong nagising.

Nakarinig kasi ako ng ingay sa tabi ko.

Napatingin ako sa baby ko.

Napangiti na lang ako.

Nakatagilid siya paharap sa akin.

Sinisipsip ang kanyang nakakuyom na mga kamay habang daldal ng daldal na hindi ko maintindihan kung ano ang gusto.

“Ang aga mo namang magising, baby.”nakangiti kong usap sa kanya.

Ngumiti lang siya. Napansin ko ang paglikot niya sa kanyang higaan na tila tuwang-tuwa.

Bumangon na ako aat agad ko siyang kinarga.

HInalikan ko siya sa kanyang leeg.

Tuwang-tuwa ito na tila gustong-gusto ang ginagawa ko.

Tinitigan ko siya. Patuloy pa rin siya sa pagsipsip sa kanyang  mga daliri.

“Baby, huwag mong gawin ‘yan. Madumi. Gutom ka na ba?”nakangiti kong tanong.

“Fap-fah!”bulalas niya."Uhm.. Pah-pa!"

Natigilan ako.

Naisip ko lang… Naghahanap na ba siya ng tatay?

Huwag naman sana…

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at pagkatapos ay hinalikan sa kanyang noo, pisngi at sa kanyang labi.

Gagawin ko naman ang lahat para hindi na siya maghanap pa ng ama. Kaya ko namang ibigay ang lahat sa kanya. At kaya kong gawin ang lahat para lang sa anak ko..

Biglang tumunog ang phone ko.

Agad koi tong kinuha at sinilip kung sino ang tumatawag.

Si Monett.

“Hello?”

“Good morning, sister! Naistorbo ba kita sa’yong beauty sleep?”masaya nitong sabi.

“Kagigising ko lang. Daldal kasi ng daldal itong anak ko. Kanina pa pala siya gising.”

“Wow naman! NAgsasalita na si baby Chezka! Gusto kong marinig boses niya!”

“Don’t worry, dadalhin ko siya sa office next week. Didiretso na rin kasi kami sa pedia niya.”

“Really?! Okay, so kailangan ko na palang bumili ng gift for her!”

“By the way, bakit ka nga pala napatawag?”

“Gusto ko lang i-clarify kong sabay na tayong pupunta ng Batangas mamaya?”

“Oo naman. Hindi ko kayang magdrive ng malayo kaya sasabay na lang ako sa’yo.”

“Okay. Sa office na lang tayo magkita total may mga kukunin pa tayong mga stuffs doon. Si boss Vicky on the way na daw sila.”

APARTMENT 143 (luv wil kep us 2geder) BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon