IKASIYAM NA CHAPTER: TRUTH revealed... intense!

21.4K 118 36
                                    

ENJOY THE CHAPTER. NO EDIT. MABILISIAN LANG ITO.

BUSY PA RIN AKO... HAHAHA!!!

- anonymous_pen @ ur service.

==================================================

IKASIYAM NA CHAPTER: TRUTH revealed... intense!

9AM. SUNDAY.

Kumatok ako sa bahay nina Shakira.

Pero mommy niya ang nagbukas ng pinto.

“Oh Shiela, napadalaw ka? Hindi mo dala baby mo?”nakangiting usisa ng matanda.

Ngumiti ako.”Naku, natutulog pa po eh. Si Shakira po nandiyan?”

“Nasa kuwarto pa niya yata, eh. Sige na, panhik ka na lang sa taas. Kagabi pa ‘yan hindi kumain. Niyaya ko kaninang kumain ng almusal pero busog pa daw siya. Malungkot ‘yang dalaga ko, bakit kaya? May alam k aba?”

Bahagya akong napangiti.”Wala nga po, eh. Baka naman po diet lang. Sabi niya kasi magda-diet siya.”

“Naku, iha, ang sabihin mo, lalaki na naman problema niyan. Duguan na naman puso.”

“Si Mamu naman… Sige na nga po, pupuntahan ko na lang sa kuwarto niya. Kakausapin ko nga ‘yun.”

“Hala sige na, pasok ka na.”

Dali-dali na akong umakyat ng hagdan.

Nakabukas naman ang pinto ng kuwarto ni Shakira kaya dire-diretso na ako.

Pero napatigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang music sa loob ng room niya…

As usual…

DI KO KAYANG TANGGAPIN ni APRIL BOY REGINO

Nakita ko siyang nakadapa sa kama. Napansin ko ang hawak-hawak niyang isang malit na lumang picture. Nakasuot siya ng highschool uniform kasama ang limang lalaki.

“Sino sa kanila diyan?”bigla kong tanong sa kanya.

Bigla niyang binato ang picture. Bumagsak ito sa sahig.”Wala sa kanila.”

Kumuha siya ng unan saka itinakip sa mukha.

Pinulot ko ang picture. Pinagmasdan.

Meron akong napansing kahawig ng isang lalaking katabi niya.

“Hulaan ko, si Tristan itong katabi mong nakatayo? Right?”seryoso kong tanong.

APARTMENT 143 (luv wil kep us 2geder) BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon