IKA-LABING WALONG CHAPTER: The PLAN... hindi nga?!

17.9K 91 22
                                    

UPDATE ULIT. NO EDIT.

PASENSIYA NA SA MGA TYPO ERRORS AND SA GRAMMAR.

SORRY TALAGA KUNG LAGING BITIN.

NAGHAHABOL PO TALAGA AKO NG ORAS.

ENJOY!

- anonymous_pen @ ur service.

=======================================================

IKA-LABING WALONG CHAPTER: The PLAN... hindi nga?!


SHIELA's POV.

7PM. DINNER.

Ayun, sabay-sabay kaming kumaing tatlo nina Ate Lota at Joshua.

Tahimik lang ako.

Pero sina ate Lota at Joshua ay masayang nagkukuwentuhan.

Talagang pinag-uusapan nila ang buhay ni Ate Lota. Kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin ito.

Natatawa na lang ako kay ate Lota dahil minsan may pagka-bisaya ito kung magsalita.

Napapasulyap na lang ako kay Joshua.

Sincere na sincere siya sa pakikipag-usap kay ate Lota.

"Shiela, chopsuey pa, oh."si Joshua sabay alok ng isang mangkok ng chopsuey.

Ngumiti na lang ako ng bahagya at tumanggi sa kanya.

"Buti naman nakatulog na si baby Chezka. Ang likot-likot ng batang iyon."si Joshua na nakangiti.

"Naku, ewan ko ba sa batang iyon, panay ang pabibo sa'yo. Papansin lang ang batang 'yon. Naku, para nga lang mag-ama kayo."si ate Lota.

Natigilan ako sa sinabi ni ate Lota.

Nagkatinginan kami ni Joshua.

Ngumiti si Joshua."Naku, ate Lota, kung ako man ang naging ama ng batang 'yon, tiyak magiging masaya at proud daddy ako."

"Naku, kamukha mo nga, eh. Baka naman kasi hawig mo talaga ang tatay ng batang iyon. Itong si Shiela kasi hindi naman sinasabi sa akin kung sino ang ama. Ayaw kasi nitong pag-usapan ang tungkol sa ama ng bata."si ate Lota.

Napatitig si Joshua sa akin.

Ako, pilit kong inilalayo ang tingin ko sa kanya.

"Sino ba kasi ang ama ni baby Chezka?"tanong bigla ni Joshua sa akin.

Kinabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot o sasabihin ko sa kanya.

"Oh di ba? Ayaw eh."si ate Lota.

Ngumiti ako ng bahagya."Pwede bang iba na lang pag-usapan n'yo."

"Well, sa tingin ko may dapat na sabihin si ate Lota sa'yo. Perfect time na siguro ito."nakangiti si Joshua.

Taka akong napatingin kay ate Lota."Ate Lota, ano 'yun?"

Napangiti si ate Lota sa akin. Tapos pinalo pa niya sa balikat si Joshua.

APARTMENT 143 (luv wil kep us 2geder) BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon