4. You're really pretty when u smile :)

8.7K 165 8
                                    

I will dedicate this to lacrima_06 dahil sa kanyang taos pusong pagsuporta sa mga story ko...from Rome vs Julie to Montague Brother...Salamat gurl (naiiyak tuloy ako) hihihihi..salamat sana mag-enjoy kayo sa update ko... mwah!! chuchu <3

Salamat then sa mga nagcomments at nagvote hayaan nyo mapapadasal ako sa inyong lahat ahaha... Salamat ulit...Enjoy!!

4. You're really pretty when u smile :)

  “Sus ko naman Mykaella Franceska Montemayor bakit puro ka pula?!!”

  Anong drama ng isang ito? Lady in Red?

“Frettt!!” kinikilig na tumili naman ito “Di ba bagay naman saken?”

“Sabihin mo kung sino ang nagsabi niyan at ipapa-patay ko!”

“Hala! Huwag ka namang ganyang Fret”

“E bakit panay pula ka ngayon…red headband,red earings,red bracelet..Naman Myka! Nasusunog ako sa kapulahan mo! Mabuti nalang hindi red ang uniform natin dahil malulusaw na talaga ako sayo”

“Naman eh!” napapadyak naman ito

“Hay naku Myka ha…huwag na huwag mo kung ma dramahan”

“Bagay saken ito fret okay…cute daw ako” nagpacute pa

“Sino may sabi?”

“Ang Ryan ko…”

Yeah Right! Ang Ryan na namang iyun!!

“Puro ka Ryan eh! So ano? Lahat nalang ng sasabihin niya susundin mo?”

“Syempre!”

“Ihuhulog na talaga kita sa bangin”

“Huwag ka naman ganyan Fret…sayang lang ang mga effort ko kung papatayin mo ko...it’s unfair”

“Ewan ko sayo manahimik ka”

“Naman eh…”

“Ang mabuti pa ikaw na ang magdala ng kahon na ito”

“Ayoko!”

“At bakit?!”

“Mabigat eh sayang ang red nail polish ko”

“Sus ko sayo Myka isa nalang talaga at ipapakain na kita sa aso!”

“Hmmpp!!”

“Wow naman!”

Sabay kaming napatingin ni Myka sa nagsalita.

“Ma’am Mechelle”

“Wow ang bait nyo naman tutulong ba kayo sa foundation event natin bukas?”

“Foundation?” nagtatakang balik ni Myka “Akala ko ba Outreach program?”

“Pareho lang iyun Myka” natatawang turan ni ma’am Mechelle “Pupunta ba kayo bukas?”

“Ahhh…tutulong lang po ako ma’am kasi may gagawin po kasi ako bukas” sabi ko

Sabado bukas at may trabaho ako kaya hindi pwede… bilang isang mabuting anak kailangan kung kumayod ahahha..sinong nagtanong? Well, si ma’am Mechelle ang maganda at mabait naming guidance councilor ang takbohan namin kapag may problema,walang problema,solve na ang problema at ang naghahanap ng problema. Cool diba!

“Ahh ganun ba? E ikaw Myka?”

“Siguro po Hindi—“

“Ahhh ganun ba? Siguro si Rain at Ryan nalang ang pagagawain ko ng mga games”

Montague Brothers - COMPLETED 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon