26. TEARS

5.3K 86 6
                                    

This is for my Saturday Update! I'll post two updates for today :D Ihanda na ang tissue! Mahaba-habang drama pa ito... this one is short sana magustuhan nyo :D Pls play the music on the side

26. TEARS

Syndi

 

Yakap ang mga binti na tahimik akong umiiyak. Patay ang mga ilaw sa kwarto ko, tanging ilaw lang na nagmumula sa liwanag ng buwan sa labas ng bintana. Iniisip ko pa rin ang ginawa saken ni Rain. Hindi parin ako makapaniwalang kaya niya ako sinuyo at niligawan ay dahil may kasunduan sila ni Ryan, na kapagpumayag na akong magpaligaw sa kanya ay si Ryan naman ang liligaw kay Myka. Dahil mahal siya ni Rain…mahal ni Rain si Myka!

UNFAIR! Bakit kailangan niya akong paasahin?

Bakit idinamay niya pa ako?

Ngayon pa’t sobrang mahal na mahal ko na siya. Rain bakit ba ang daya mo?

Lalo pa akong napaiyak. Sobrang sakit talaga ang nararamdaman ko. Parang pinipiga ang puso ko.

Knock..knock…

Madali kong napahid ang mga luha.

“Ate, si Aki po to, pwede pumasok?”

“Ah..O sige”

Inayos ko muna ang sarili ko. Pagkapasok ni Aki sa kwarto ay binigyan ko siya agad ng ngiti. Pitong taon lang si Aki peru matalino, ayaw ko namang mapansin niyang malungkot ako. Ayoko siyang mag-alala.

Umupo siya sa tabi ko.

“Tulog na ba si Mama, Aki?”

“Opo ate”

“Nainum ba niya ang gamot bago siya natulog?”

“Opo ate…ah ate, umiiyak po ba kayo?”

“Ha?! H-Hindi…bakit mo naman natanong yun?”

“E kasi namumula ang mga mata mo” hinaplos niya ang mukha ko “Saka ang lungkot mo”

“W-Wala ito Aki may inaalala lang”

“Sabihin mo na saken ate baka makatulong ako”

Napangiti naman ako “WoW ha! May maitulong talaga? Ilang taon ka na ba?”

“Mag-eight palang ako peru pwede mo naman akong gawing lungkot absorber”

“Hmmm… kung sasabihin ko sayo hindi mo rin naman ako maiintindihan”

“Okay lang iyun ate at least nailabas mo lahat ng hinanakit mo. Sabi nga nung teacher namin basta daw galit kami o malungkot dapat po daw namin ilabas yun para daw gumaan ang loob namin. Sabihin mo nalang ate di din naman kita mahuhusgaan dahil wala naman din akong maiintindihan.”

Montague Brothers - COMPLETED 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon