38. Only Rain Touches My Skin

6.2K 102 21
                                    

38. Only Rain Touches My Skin

RAIN

"Yan tig-isang batok kayong dalawa! Aish, ang kukulit nyo dalawang dalawa!" paano ba ako nagkaroon ng dalawang praning na pinsan? Masyado na ba akong makasalanan at pati ang kagwapuhan ko kasanalan na rin? Nak ng ukoy naman talaga! "Oh ano magsalita na kayong dalawa!" 

Aba'y sinong bang hindi mapa-praning kung malalaman mong kinidnap ng dalawang shokoy ang aking Syndi. Naks, Rain parang asawa mo ah. Kahit na! Ang laki na ng ipiniga ng utak ko masolo ko lang yan si Syndi. Buti di pa ako name-mental. Huwag naman po sana.

"Ito namang si pinsan brutal mo naman masyado" hinamas-himas nito ang ulo "Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo kita."

"Sasagot ka pa eh!" inambaan ko ng suntok "Gusto mong makadalawa ngayon Jubbie?"

"Santisima naman Rain masyado ka ng praning... huwag na, mapipingasan na naman ang kagwapuhan ko niyan tsk! Carl ikaw na nga ang kumausap sa abnoy mong pinsan." tinapik muna nito si Carl sa balikat saka pasalampak na naupo sa swivel chair nito.

"Para kang di prinicipal ang dami mo paring kalokohan sa katawan!" yang si Jubbie may ari ng isang elementary at secondary school dito sa amin at sa Maynila. Ewan ko ba sa isang ito, ang tanda na nga para paring bata.

Binalingan ko naman ng masamang tingin si Carl na parang walang pakialam sa nangyayari. Isa pa itong businessman na laging na uuto nitong si Jubbie.

"Don't you ever gave me that kind of look Rain kundi masisipa kita palabas." he crossed his arms over his chest "Naka isang batok ka na huwag kang abusado." sabay ngiti ng nakakaloko. Nak ng! Heto na naman itong si Carl nagiging demonyo na naman. Kahit kailan naman talaga oh!

Napasalampak nalang ako ng upo sa visiting couch ng office ni principal Jubbie. Sa aming apat si Carl ang pinakamagaling umarte, si Jubbie ang pinakamagaling mang-uto, of course si Ryan ang pinakamatalino... at well ako ang pinakagwapo haha. Anyways, serious na tayo.

Ito kasing si Carl kapag nagkaipitan sa gulo na sangkot kaming apat lage yang abswelto. Paano ba naman? Sa mata ng lahat siya ang pinakamatino sa aming apat. Para siyang si Tom kapag nasa harap ng amo at kapag nasa harap ni Jerry demonyo. Kaya nga lugi kami sa isang yan. Aish!

"I get it! Now, nasaan si Syndi?"

Nakakapagod makipag-argumento sa dalawang ito. Naste-stress ako! Naks! Mukha palang kasi ng dalawang ito stress haha.

"I'll tell you later," si Jubbie ang sumagot habang itong si Carl lumipat ng upo sa tabi ko "Now, I have a proposal for you my dear cousin."

"Naks serious ka ngayon ah?" para ngang principal.

"Walang basagan ng trip" ngumisi ito at bigla ba namang lumipat ng upo sa table nito, take note: naka indian sit pa ang mokong. Tsk, Tsk, Tsk, kahit kailan di na talaga matuto ang isang itong magseryoso sa buhay. "Ano ba yan! Nakakatamad maging principal... anyways, may hihilingin akong favor sayo pinsan."

Montague Brothers - COMPLETED 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon