40. Pusong Nalilito

5.6K 104 14
                                    

40. Pusong Nalilito

SYNDI

"Hala!" kinapa ko ulit yung bulsa ko "Saan na yun?" binuksan ko ulit yung bag ko "Wala ang wallet ko?" napatingin ako kay Rain na mukhang nagtataka rin "Rain hindi ko yata nadala ang wallet ko" eh kasi naman sa pagmamadali ko cellphone lang pala at isang daan lang yata ang nadala ko. "Wait" yung maliit na pocket sa loob ng bag ko. "Hayun! Nakita din kita" itinaas ko yung isang daan sa harap niya.

"One hundred pesos lang laman ng bag mo?"

"Hmm, yun lang ang nadala ko eh," ibinigay ko na sa pharmasist ang pera "Ate ito na oh," ibinigay naman niya saken ang antesiptic ointment na binili ko para sa pasa ni Rain. "Salamat" wala ng sukli. 

Nakamot ni Rain ang ulo "Paano yan?"

"Paano ang ano?" hinila ko siya sa isa sa mga bench doon, malapit lang kasi sa park ang pharmacy na pinuntahan namin. "Umupo ka na diyan, itaas mo yang shirt mo."

Itong taong ito tinitigan lang ba ako. Asar itong taong ito eh! Naglapat yung labi ko sa inis. "Sige ka, kapag di mo pa yan itataas huhubaran talaga kita dito makita mo!"

"Ito naman oh," itinaas nito ng konti ang shirt nito "Hayan na, magsawa ka sa abs ko."

"Hmp!" itinaas ko pa yun "Conservative mo ha!" diniin-diinan ko pa ang paglalagay nun hanggang sa dinahandahan ko na. "Huwag mo ng uulitin yun ha."

"Oo na, isa nalang" tinignan ko siya ng masama "Ang galing mo kasing mag-alaga eh, ang sarap!" sige ngisihan mo pa ako ngayon at makakatikim ka ng suntok kapag inulit mo pa yun. Isang diin sa pasa niya. Yan! "Raay! Naku naman... huwag mo namang dagdagan Syndi."

"Uulit ka pa o hindi?!"

"Oo na! 'di na po kasi may isang mag-aalala eh," pasimple pa akong sinulyapan. Ha ka! Di kaya ako nag-aalala sayo.

"Oh bakit nakatingin ka saken?!"

"Walaaaa po," umayos ito ng upo sa bench at nilagay ang dalawang kamay sa ulo "Nagugutom ako!"

"Oh bakit di tayo kumain?"

"Gutom ka rin?"

"Tayo nga eh diba? Tanga lang kuya?"

"Itong babaeng ito lage nalang akong binabara, tsst, edi TAYO Na" peru bakit feeling ko iba ang meaning ng TAYO NA niya. Parang may malisya eh "Oh ano pang hinihintay mo Tayo na nga diba? Kiss mo na ako sa lips dali - Shit! Ang sakeet! Ano ba hindi mo ba titigilan ang bungo ko Syndi?" eh binatukan ko na naman siya. Sabi ko na nga ba may malisya yung tayo niya eh. Kahit kailan talaga.

"Serves you right Mr. Montague" tumayo na rin ako at hinarap si Rain "Treat mo ha, ikaw mayaman sa ating dalawa."

"Nak ng patis!" napakamot ulit ito sa ulo "Ano kasi.."

Montague Brothers - COMPLETED 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon