20. Change Plans Protective Rain

6K 97 11
                                    

>Oha! Nasa kalagitnaan ako ng PRELIM nakapag-UD pa ako hahaha. Kaya mga readers kung magaganda at gwapo comment naman kayo. Pampa-birthday nyo nalang saken. Ciao.

20. Change Plans Protective Rain

RYAN'S POV

Routine ko ng buksan ang facebook page ko, as usual maraming messages sa wall ko at inbox. Kaya ang resulta always offline ako. Hindi ko naman sila in-add peru ang kukulit. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Astig ah, tinalo ko pa si Zac Efron at Channing Tatum, nahiya naman saken si Coco Martin hahaha.

But what caught my attention... I mean, always talaga yan. Walang palya. Itong si Mykaella, ito yung bestfriend ni Syndi. Kumunot na naman yung noo ko. Saan ko nga ba talaga nakita itong babaeng ito? Pamilyar talaga siya saken eh. Hindi ko lang talaga matandaan. Sa bagay hindi ko naman talaga forte ang memorization, especially girls.

Peru bagay sa kanya ang pula, pati maging clown. Nakamot ko yung ulo ko, naku-kyutan ba ako kay Myka? WOAH! at kailan ka pa nagkagusto sa babaeng may gusto din sayo Ryan, don't you know na turn off sayo ang babaeng easy to get? At isa pa yung gusto ng kambal ko na  ligawan ko si Myka kapag naging girlfriend niya si Syndi.

Speaking of my kambal... Saan na nga ba yun?

Biglang bumukas yung pintu ng kwarto ko. Oh, edi narinig din ako ng kambal ko. Iba talaga kapag magkadugtong ang wire ng mga puso namin. Alam agad! Nag-sign out muna ako bago ko iniikut paharap kay Rain ang swivel chair ko. Ipinatong ko yung dalawang paa ko at nag-cross sit. Inikut-ikot balik ko pa ang upuan.

"Anong maipaglilingkod ko sa iyo aking mahal na kambal?"

Ngumisi naman si Rain "Change plans"

Tumaas yung isang kilay ko "Anong change plans? Sa Truce natin?" ah alam ko na "Naiinlove ka na kay Syndi no kaya itutuloy mo nalang ang panliligaw mo sa kanya? Sa bagay, bagay naman kayong dalaw-"

"It's not what you think,"

"Oh, edi mali ang iniisip ko... bakit sinabi ko bang tama ako? Tsk."

Ano na naman kayang change plans - change plans ang tinutukoy nito? Ang labo talaga ng isang ito. Hindi ko siya maintindihan. Parang hindi kami kambal, ang dami kong hindi alam kay Rain. Minsan iniisip ko kung kambal ba talaga kami o pin-lastic surgery lang ako ni mama para magmukha kaming kambal. Pwede din.

Tinignan lang muna ako ni Rain.

"Para sabihin ko sayo Rain, you only have one month left... aba'y hindi unlimited ang palugit ko sayo ha, baka akala mo?"

"I know, at alam ko na medyo may pagtatalo tayo sa truce natin. I don't want to be unfair with Syndi, she's a good person. I know, na challenge lang ako noong una dahil masyado niyang binabalewala ang kagwapuhan ko--"

"Ayan ka na naman diyan kagwapuhan mo eh! Tssst."

Montague Brothers - COMPLETED 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon