3. Meeting the Montague Family (shucks!)

9.2K 167 21
                                    

3. Meeting the Montague Family (shucks!)

Hindi ko maintindihan kung bakit ako pupunta sa bahay ng hinayupak na iyun sa ganitong oras? Kung bukas ko nalang kaya ibigay ito? Peru sayang din ang effort ko sa pagpunta sa bahay nila…

“Hindi uuwi na ako bukas ko nalang ibibigay ang manual niya”

 Peru may assignment kami ngayon at sasagutan iyun sa manual. Hindi naman sa uber na ako sa pagkamaldita mabait pa din naman ako…Aisssshhh!! Naman eh!

“Tinik ka talaga sa lalamunan ko kahit kailan Rain Montague!!”

“Ah miss” may tumapik saken syempre nagulat ako at napatingin. Shucks! Ang gwapo niya ha…peru bakit parang kamukha niya yata si Rain? Asul din ang mata nito … pati ang smile kagaya din ni Rain.. Naku po!

Sino ka?!

“Narinig ko kasing binanggit mo ang pangalan ng anak kung si Rain. Klasmet ka ba ng anak ko?”

Hala! Tatay niya ito? Weeh? E bakit ang bata parin ng mukha niya? Parang na sa late 20’s palang? Talaga bang pinagpala itong pamilyang ito?

“Ah, hija? Okay ka lang ba?”

Naku po! Nakakahiya naman…Shucks!

“Ah eh…O-okay l-lang p-po ako..” ba’t nabubulol ka? “Ahmm…klasmet po ako ni Rain e kasi po naiwan niya po iyung manual niya sa lab ta’s may assignment kasi kaming sasagutan dito kaya hinatid ko po”

Mabait yata ako ngayon? Bakit nagpapaliwanag ako sa daddy ng unggoy na iyun?

“Ahh…ganun ba?” he smiled “Halika na sumabay kana saken malapit naman na ang bahay namin”

Huh? Hindi pwede uuwi na ako…Shucks naman!

“Ahmm….Mr. Montague kung pwede ho sana kayo nalang po ang magbigay”

“Ahhh…Halika na…”

Narinig ba ako nun?

Kaloka ha?!

“Ah..Sir?!”

“Mas maganda kung ikaw ang magbigay niyan sa anak ko hihihi”

O__O

“Po?!”

“Sumunod ka nalang hija”

Naman ha! Isa pa itong tinik sa lalamunan ko…Mag-ama nga kayo ni Rain…Aissshh! No choice ang beauty mo Inday kailangan mo ng harapin ang mukhang multo sa gigilid na iyun. Naman eh… Bakit ang raming kalokang pangyayari ngayon ha?!

 Huminto kami sa isang malaking bahay na may malaking gate. Ganitong-ganito ang bahay namin noon, noong hindi pa namatay ang daddy ko at nabaon kami sa utang. Peru hindi dapat ako malungkot…Aja! I’m strong

Pinindot ng papa ni Rain ang doorbell, bumukas iyun at iniluwa ang isang magandang babae saka hinalikan sa mga labi ito.

“Ahemm!”

“Ahh…honey, klasmet ni Rain”

Malaki naman ang ngiting niyakap ako ng babae at hinila sa loob. Naku! Ano ito? Shocking naman ito.

“Totoo bang klasmet ka ng anak kung si Rain?”

“Ah..O-opo”

“Wow ang cute mo naman…gusto kitang maging manugang”

O__O

“Honey, huwag mo namang takutin ang bata” ngingisi lang ito

Montague Brothers - COMPLETED 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon