46. Marry Me

6.3K 109 13
                                    

46. Marry Me


note: pls play the song on the side untill the end of the chapter-repeat nyo nalang! :D

SYNDI


“Mahal…”

“Mahal gising na…”

Naalimpungatan ako. Para kasing may humahalik sa leeg ko. Sheeks! Nabuhay na si Dracula! Kailangang manlaban!

“ARAY NAMAN MAHAL! Sakeeet!”

(O__O)

“Edward Cullen?”

Hawak ni Edward –este ni Rain ang panga niya. Teka, ano bang ginawa ko?

“Oh My God!” hinawakan ko yung panga niya “I’m sorry…sorry Mahal.. ano kasi, akala ko ikaw si Dracula eh.” Naman! Bakit ba naisip ko si Dracula… e kasi may humahalik sa leeg mo kanina diba? “Oh syet!”

Ang aga namang pagmumura yan Syndi! Eeeeei kasi naman! Naka-Nakahubad ako tapos si Rain naka shirt at jeans na. Anoo yun? Nakakahiya. Mahila nga ang kumot pataas. I swear pulang-pula na ang mukha ko. Papasa ng bandila ng JAPAN. Okay, magtatago nalang ako sa kumot.

“Bumalik ka nalang after 10 minutes magbibihis muna ako Rain..”

Hiyang-hiya talaga ako eh. Expose na expose ang katawan ko.

“Nahiya ka pa,” niyakap ako bigla “Para namang di ko pa yan nakitang lahat.”

Binaba ko ang kumot hanggang leeg lang “Ang daya mo kasi eh! Ikaw naka-“ syet! Hayun na naman siya sa mga nakaw na halik ng isang ito.

“Huwag ka na nga kasing magtampo..” bumaba yun sa panga ko “Ang sarap kasi ng tulog mo kanina,” pababa sa leeg “Hindi nalang kita ginising… hmm.. ang bango mo pa rin..” syet na ito!

“Rain ha!” itinulak ko siya ng konti “Tirik na tirik ang araw nag-uumpisa ka na naman…”

“Hehehe,” nakamot nalang tuloy nito ang ulo – CUTE! “Sayang! Akala ko pa naman makaka special lunch ako ngayon.”

“Hindi ka rin gamahan no?” hindi mo na ako pinatulog kagabi mag-add ka naman… “Wait! Tanghali na?!”

“Well yeah,”

“Kaya kaba nakabihis dahil sa labas tayo kakain?”

“Nope, kakauwi ko nga lang eh.”

“HA?! Umalis ka ng di man lang nagpapaalam saken?!”

Montague Brothers - COMPLETED 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon