Dear Mom

212K 3.2K 640
                                    

This is my first one-shot story. Hope you'll like it. :)

 (The title is actually a song. Korean song. Andun po sa gilid. Kung gusto niyong iplay, mas maganda. Haha. May translation naman po eh. Yun lang. Enjoy.)

***

Nagising ako hindi dahil sa tunog ng alarm clock kundi sa pagyugyog sa akin ni Mama. Naman eh! Inaantok pa nga ako eh!

"Uhhhmm. Hantukpakumamayamunakogishigin."

"Bumangon ka na Jenny! Malalate ka na sa school oh."

Eeehh inaantok pa nga kasi ako eh. Bahala siya dyan. Pero hindi niya ako tinantanan at pinagpatuloy niya ‘yung pagyugyog sa akin.

 

"Oo na nga eto na!" Aish! Nakakainis naman si Mama. Napapanaginipan ko pa yung crush ko eh. Psh.

"Maligo ka na dun."

Di ko nalang siya pinansin at pumasok na sa banyo. After nun, nagbihis na rin ako ng uniform at kumain na rin. Hay, nakakatamad pumasok sa school. Pero dahil schoolmate ko ang crush ko, go pa rin. Hahaha, ang landi ko talaga. At nagsimula na naman akong magdaydream tungkol sa kanya.

Nagdedaydream na naman ako habang naglalakad sa may corridor. Bakit ba kasi hindi ko siya makausap? Nasa isang corridor lang naman ‘yung rooms namin. Hay. Sana bigyan man lang ako ng opportunity na makausap siya—

"Ouch!Aray ko!" Takte! Ayan kasi Jenny, baki hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! May nabunggo tuloy ako pero ako ‘yung tumalsik! Ang sakit ng palad ko! Pinangtukod ko kasi nung natumba ako. Ang sakit!

"Miss are you okay? Damn! Nagdudugo ‘yung kamay mo!"

"Eh kasalanan mo 'to eh! Nak—"

Pagtingin ko doon sa nakakainis na bumunggo sa akin, paraang umatras ‘yung dila ko. OMG. Totoo ba ‘to? As in? OMG! Si Ethan, ‘yung crush ko! 

"Ahh...ano...o-o-okay lang a-ako. Hahahaha..." Hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil kaharap ko siya tapos eye-to-eye contact pa kami.

"I think you're not okay. Tara, hatid na kita sa clinic. Ako naman may kasalanan eh," then he smiled at me.

WAAAAAAAHHHH NGINITIAN NIYA AKO! MABABALIW AKO NG MAAGA NITO! WAAAAAHHHH! DREAM COME TRUE! YUNG CRUSH KO PINANSIN AKO!

Hinatid niya ako sa clinic with matching alalay pa sa akin. Okay lang kahit nakahawak siya sa bewang ko. Haha ako ay nagpapachansing sa crush ko. Eeeehh ang landi ko.

Dahil doon, napapansin niya na ako. Lagi niya akong binabati kapag nakikita niya ako. Magkaiba kasi kami ng section eh. At nagsimula na ang tuksuhan sa school. Jusko, halos mamatay na ako sa kilig pag inaasar nila ako sa kanya. Tapos siya, ngingiti lang pag inaasar siya sa akin. Sa totoo lang, mas lumalim yung feelings ko para sa kanya. Hindi lang simpleng crush o gusto. Palagay ko nga, mahal ko na siya eh. At dahil sa mga ipinapakita niya sa akin, nagkaroon ako ng pag-asang…

Baka may nararamdaman din siya para sa akin.

Short Stories (Oneshots)Where stories live. Discover now