27

32.8K 606 18
                                    

27

Naabutan niyang hawak –hawak ni Howard ang picture frame kung saan may picture sila ni Dylan.  Titig na titig ito rito na para bang may inaalala.

“Heto nga pala yung gagamitin mong unan at kumot, pasensiya na ha, malayo sa nakasanayan mo.

Di siya nito pinansin. “Sino siya?” Tanong nito sa kanya. MAingat na ibinalik nito ang picture frame.

                                                                                                                                                                      

Di niya sinagot ang binata. “kung gusto mong magpahinga Howard, heto yung mga gamit mo. Maiiwan na muna kita kasi maghahanda pa ako ng makakain natin.”

“sandali.” Hinawakan niya ito sa braso, tila napapaso na agad naman nitong binitawan. “Sino yung nasa picture? Asawa mo?”

“Hindi. Nakalimutan ko lang alisin. ISang taong ayaw ko ng maalala.” Seryoso nitong sabi. “Si-sige, maiiwan na kita ha.”

Naiwang nag-iisip si Howard. KInuha nito ang mga ibinigay ni Sandy at inayos ang kanyang magiging kuwarto. Lumabas siya para kunin ang mga naiwang gamit sa kotse. Yun ang naabutan ni Sandy. “Bakit di mo sinabi na may kukunin ka pala rito at nang natulungan kita.”

“Hindi ako inutil. Kaya ko ang mga ito.” Seryosong sagot ni Howard. Totoo naman, minsan kumikirot lang ang dating sugat niya pero kaya niya nang gawin ang mga dati niyang ginagawa. Hindi na nga lang siya kasing liksi tulad dati.

INiabot na lamang niya kay Sandy ang isang maliit na bag na naglalaman ng kanyang laptop, the rest ay dinala na niya. “Gaano ka na katagal sa bahay na ito Sandy?”

“Matagal-tagal na rin, simula siguro ng nagturo ako rito. Hanggang sa ipinagbili na sa akin ang bahay na ito. Yung lupa, hinuhulug-hulugan ko pa.” Magaan naman ang loob niya kay Howard, although he reminds her of someone that she used to know.

Loving A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon