VIII

35.5K 920 28
                                    

Pavote at comment naman po.....salamat ng marami....

.....Xian Randal......

Tatlong araw na lang at ikakasal na sina Gerard at Kaira. Sa simbahan ng Our Lady of Rosary iyon gaganapin.

Lahat naman ng tao sa mansion ay halos hindi magkandaugaga sa paghahanda sa kasal. Sinimulan na ring ayusin ang buong paligid. Dumating na ang florist ng mga Montes. Lahat naman ng kasama sa entourage ay nasa simbahan para sa kanilang practice.

"Bakit ba kailangan pa ng practice eh di ba lalakad lang naman tayong lahat?" Si Alwin, nangungulit na naman.

"Darling, talagang ganito kung gusto mong perfect ang wedding mo," ang baklang wedding planner ng ikakasal.

"Simulan na natin. Nasaan na ba ang bestman?"

Si Lucas Dylan.

Napasimangot si Sandy,paano ba naman at kaharutan nito si Venice. Napakasweet nila sa isa't-isa.

Nakita niyang sumeryoso si Alwin. Ngayon lang din yata napansin ng binata ang dalawa.

Partner sila ni Dylan. Matalik na kaibigan rin kasi ito ni Gerard.

Lumakad na si Sandy papuntang altar. Practice pa lang pero parang maiiyak na siya. Ang ganda naman kasi ng kanta.Tulala siyang naglalakad habang si Dylan ay naghihintay sa kanya. Ano kaya ang itsura nito kapag siya yung groom?

Nag-iimagine ka na naman Sandy, at of all the man na pwede mong isipin, si Dylan pa.

Samantala, partners naman sina Venice at Alwin. Venice is so conscious, mahahalata mong ilang siya sa kaparehang si Alwin. Samantalang ang binata,hindi mo maintindihan kung natutuwa ba o hindi.

... 

...............................

Araw ng kasal...

Naiyak si Sandy para sa kaibigan.

"Best, I'm so happy for you. I know natupad na yung isa sa mga pangarap natin."

"Thanks,Sandy, I'm sure susunod ka na. Malay mo dito ko pa sa Davao makikita yung love of my life mo."

Loving A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon