XVI

30.2K 832 43
                                    

16

Dedicated sayo kasi lagi kang nakasupport sa aking mga on going stories at pinagkakaabalahan mong basahin ang mga stories ko, thank you!

******

Tuloy hindi nakatulog si Sandy. Parang naging complicated na kasi ang lahat, si Alwin, biglang naging sila, si Dylan na di niya alam kung ano ba talaga sila, di pa rin naman kasi siya maka move on sa mga pinagsasasabi nito kagabi, o ang sabihin mo, di pa rin siya maka move on sa mga halik nito.

Tuloy halata ang eye bags niya nung nag-almusal. Mabuti na lang at di na nangulit si Kaira. Wala si Alwin sa almusal, ganun din si Venice.

“Nasaan ang nobyo mo, Sandy?” Ayan, nagtanong na ang Mama ni Kaira.

“Hindi ko po alam, Tita, di naman po siya nagpaalam kung aalis.” That’s true.

“Dapat ang boyfriend nagpapaalam sa girlfriend kung saan pupunta, nag gi greet ng good morning kahit sa text man lang.” Sabat ni Dylan, parang wala itong pakiaalam na kumakain ng inihanda ni Manang na almusal.

“Lucas Dylan, wag ka nga mang-asar, an gaga-aga.” Si Kaira. Mabuti na lang talaga at nandito ang bestfriend niya.

“Iho, hindi ba dito rin natulog si Venice, bakit wala pa siya rito?”

Kita mo na! Kala mo lang, yung girlfriend niya, wala rin pala. Kausap ni Sandy ang sarili.

“Tulog pa po, Tita. Nahihiya naman po akong gisingin siya, ako na lang po ang sasabay sa kanya sa almusal. Malamang si Alwin eh tulog pa rin.” Idinugtong pa nito.

Epal talaga itong si Dylan.

“Tita, Tito, Kaira, maaga po pala akong uuwi ng apartment, may aasikasuhin pa po kasi ako eh.”

“Ha? PEro Bestie, tulog pa si Alwin eh, walang maghahatid sayo, day off ng driver.”

“Sus, ano ka ba, magcocommute na lang ako.”

Loving A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon