XIV

31K 725 16
                                    

****

“Hello, my dear Sandy!” Si Alwin, kakarating lang nito galing Hongkong. “How are you?” Iniabot nito sa kanya ang kanyang pasalubong.

“ok naman Alwin.”

“Hmmm. Let me guess, since ang ganda mo ngayon, malamang ok na ok na kayo ni Lucas Dylan. Tama ba?”

Immediately, she was shy. Bakit ba parang nanunukso ang kaharap ngayon.

“Medyo. Oo.”

“Wag ka nan gang magdeny, halata eh, sabi nga nila, blooming na blooming ka.” Asar nito.

“Nakakainis! E ikaw, bakit mukhang sobrang gwapo mo ngayon?”

“Aba, bumabawi ka ha. Sadyang gwapo na talaga ako. Wala ng pagbabago yan.”

How he missed this man! Siya yung nagpapasaya sa malungkot niyang buhay. Si bestie Kaira naman kasi niya eh nag tour around Europe, siyempre bagong kasal, sinulit talaga ng mag-asawa.

“Pero, seriously Sandy, I am happy na ok na kayo ni Dylan, but I’d like to remind you na may girlfriend yung tao, ayaw ko na masaktan ka sa bandang huli.”

Napabuntung hininga siya, sa maikling oras na pagsasama nila ni Alwin, alam talaga nito kung anong nararamdaman niya. Pero tama ito, dapat ilagay niya sa utak na girlfriend nito si Venice, na sapat nan a maging ok sila. Siya kung baga ang dapat na nakakaalam ng feeling ng iniiwan o ipinagpapalit sa iba.

“O tama na yan, labas na lang tayo, libre kita.”

“sige na nga. Mukhang ang dami mong pera ngayon eh.”

****

Loving A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon