Chapter 41

1.8K 26 0
                                    

FRIENDSHIP

"Anak wag takbo ng takbo baka madapa ka! Tignan mo pawis na pawis kana haynako!" Sigaw ko kay Maui na tumatakbo palayo.

"Dito lang po kami ni ate patpat!" umupo sila sa may fountain ni pat at nagtatawanan.

Nandito kami sa bahay nila lolo, may family dinner kasi this time kasama naman si mommy at si lorraine.

Naghahanda ang mga maids dahil malapit na mag dinner.

Nakita kong paparating ang kotse ni Sean, teka bat andito toh?

Pagkabukas ng pinto ay nakita siya ni Maui na agad naman tumakbo at yumakap sakanya.

"Hey, young man where's your grandpa and your mom?"

"Mom's over there" tinuro ako ni Maui tinignan naman ako ni Sean at nginisian "grandpa is talking to lolo inside the house."

"Sige na play with your ate Patricia na." Bumalik si Maui kung saan sila naka-upo ni Pat kanina.

Lumapit saakin si Sean. "Bakit nandito ka? Sa pagkaka-alam ko family dinner NAMIN ito." Pagtataray ko. Bakit ba? Di naman siya invited! Para sakin HINDI.

"Sa pagkaka-alam ko din ako ang ama ng anak mo, kaya family ako." Umirap ako sa kawalan. Saka tinalikuran siya.

"Teka lang." Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sakanya. "Mag-usap naman tayo yung matino."

"Nag-uusap naman tayo ah? Ano pa bang gusto mo?!"

"Frienship Yvonne, hindi ko hinihiling na maging asawa mo ako-"

"Ang kapal naman ng mukha mo! Ang huling natatandaan ko hindi tayo TOTOONG mag-asawa, oo sa papel pero kailanman hindi ko naramdaman yun. Kakaibiganin mo ako? Bakit? Para gawing tanga?! Para pag-laruan ulit? Hindi kita maintindihan."

"Alam mo wag ka nag o-over react diyan pakinggan mo muna ako, kaibiganin mo ako para sa anak natin! Nung isang gabi, yumakap siya sakin at tinanong kung bakit hindi tayo katulad ng nanay at tatay ng mga kaklase nya, nabanggit nya sakin yun hindi tanga ang anak natin alam kong nakikita niya at nadadama niya na hindi tayo buo."

Natulala lang ako sakanya. Kasi naman bakit ba ang oa oa ko! Akala ko kasi.. akala ko..

"I'll give it a try." Sinabi ko at umiwas ng tingin.

Umupo ako sa.malapit na bench doon. Palibhasa kasi hindi naman siya ang nagmahal e. Hindi naman siya ang nasaktan.

Sana pumasok sa isipan niya na mahihirapan ako mag-adjust. Saming dalawa ako ang mahihirapan, dahil sa punyetang nararamdaman ko! What if? Mahulog nanaman ako? Wala, walang sasalo. Hindi naman obligasyon ng tao ang suklian ang nararamdaman. Dahil kadalasan hindi naman pantay lagi ang nararamdaman ng tao sa isa't isa.

Tumayo ako at tumingin muli sa lalaking nagpatibok at nagpapatibok ng puso ko. At tinalikuran siya, sana talikuran din ng puso ko ang pagmamahal sakanya.

Pumasok ako sa loob at inakay si Maui at ang pamangkin ko naglalambingan naman mom at daddy na parang mga teen ager. Iniwan ko sila sa dining area.

Pumasok ako sa kusina at nakita kong tumutulong si lorraine sa mga maids sa paghahanda ng pagkain.

"Babaita bitawan mo yan, hayaan mona sila, manang kayo na po bahala dito ha? Halika na don na tayo sa dining area." Inakay ko si ares at umupo na sa hapag.

Pumasok naman si mom at dad ng magka holding hands at saka umupo.

"Pasingtabi naman sa mga single dito, ma dad tigilan nyo. Mga feeling teenager kayo." Natawa naman si lorraine sa sinabi ko.

"Bakit ba? Na-miss ko ang mom mo, lorraine anak sawa kana ba maging bunso? Gagawa kami ng-"

"DAD!" kinlabutan ako grabe ah? "May mga bata kung anu-ano lumalabas sa bibig mo." Sabay urap sakanya.

"Wala naman akong ginagawang masama ah? Minamahal kolang ang mama mo."

Iww. Okay i give up. Hindi na ako sumagot uli katapat ko si Lorraine at katabi niya ang anak niya. Katabi naman ni Pat si Mama, at si Daddy.

Katabi ko si Maui pero ngayon ay kandong na siya ni Sean epal talaga tong hinayupak nato eh.

Umupo na si grandpa at tumikhim, "Let's eat, but pray first, Maui lead it."

"Dear God, thankyou for this happy dinner with my Family, thankyou for making us complete, lolopaps, grandpa, and grammy, Ate patpat and tita Ares, and specially my mom and dad, Lord please don't let this family be ruined by anything. Please don't let my daddy leaves us again, and i hope they'll love each other again. Thankyou ." Amen.

Pinigilan kong maluha sa harap nila. Anak pasenaya kana hindi ko mabibigay ng maayos sayo ang ideal family mo. The perfect one, maski nga kami ng dad mo hindi perfect ang pagmamahalan pano ko pa kaya ayun maibibigay?

Nag sign of the cross na kami at tahimik na kumain. "Sean kamusta na pala ang business niyo ng Daddy mo?"

"Mas lalo pong naging mabenta dahil sa pagme-merge ng kumpanya niyo at ng saamin, dahil sa mga bagong tayong hotel and resort sa mga syudad."

"Kamusta naman kayo ng apo ko?" Napatingin naman ako kay Lolo na diretsong nakatingin kay Sean.

"We're making things right sir. Im sorry for my mistakes long time ago, i'll make it up to your grand daughter. Lalo na't nandito na si Maui sa buhay namin." Napatingin naman si Sean saakin.

Pinagsasabi nito?! Puro kasinungalingan! Sa isip ko labing limang beses ko na siyang sinaksak ng mga kubyertos.

"Good. And i don't fucking want that to happen again, do you understand me?"

"Yes sir."

"Kelan po ang kasal nyo?" Napa-ubo ako sa sabat ni maui.

"MAUI!" sigaw ko sakanya at pinanlakihan ng mata.

"Kasal na kami dati son kaso hindi pa sa simbahan." Sagot naman ni Sean.

Hindi nalang ako umimik at tinapos ang pagkain.

Doon na kami nagpalipas ng gabi at napag-pasyahan namin na mag outing sa resort nila Sean.

Cziyahara Spring. Pagkatapak ko palang sa malalaking hagdanan pababa nito ay bumabalik ang mga ala-ala ko kay Sean.

Pa talon talon naman si Maui at nakipag hawak kamay sa malaking unggoy na statwa. Napatawa nalang ako sa ginawa ng anak ko.

Tumungo kami sa pribadong kwarto sa likod ng office nila Sean.

May tatlong kama doon at meron pang isang pinto para sa isa pang kwarto.

Nagpalit agad ng rashguard sila Maui at Patricia at saka tumungo sa spring.

Nag suot naman ng two piece si lorraine af kung titignan sa katawan niya akala mo hindo nanganak pero mas malaki padin ang future ko sakanya hehe 😂

"Halika na! May extra pa akong two piece dito kung sakaling wala kang dala."
"Mag rashguard nalang ako bakla ka!" Inirapan ko siya.

Hinagisan niya ako ng leopard print na two piece at kinuha ang rashguard ko at akmang pupunitin.

"TEKAAA! ETO NA babaita ka mahal yan! Eto na nga magbibihis na eh!"

Dumeretso ako sa banyo at nagbihis na, binalutan ko ang katawan ko.

Inlove with the FuckboyWhere stories live. Discover now