Chapter 23

1.5K 28 0
                                    

"Hey." Malamig na utas ni sean.

"Yes?" Sagot ko.

"I need to go back in manila."

"B-bakit?"

"Kasi.. some important matters."
Sabi niya ng hindi tumitingin saakin.

"May mas importante pa pala saakin, saamin ng pamilya ko, alam ko sean hindi lang ang business ang tinutukoy mo dito, hindi ako tanga at ipinanganak lang kahapon para maniwala sa mga lame reasons mo tuwing umaalis ka."

"Im sorry, malalaman mo rin pero hindi pa ngayon."

"Bakit sean? Hindi pa ba ako sapat? Pati ng mga efforts ko para mahalin mo ako?"

"Trust me, i'm starting to love you, just give me time at intindihin mo ako-"

"Sean! Paano kita iintindihin kung wala akong alam! Sa loob ng halis isang taon nating pagsasama pakiramdam ko hindi pa kita lubos na kilala ang dami dami mong lihim!"

"Sorry!" Yan lang ang sinabi niya. Sorry. Damn! This is so ridiculous.

Pagkatapos ng pagpapaalam ni sean ay kinulit ko si daddy na umuwi na.

Mga 8pm ng makauwi kami sa manila at kumain kami ni daddy ng late dinner. Ewan ko ba. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Si kath ba? Si kath siguro ang dahilan.

Kinabukasan ay wala pa si Sean inisip kong mamayang hapon ang balik niya pero wala. Walang Sean na nagpakita hanggang madaling araw ay dilat na dilat pa din ang mga mata ko pero wala parin ang asawa ko.

Hindi na ako makatiis at kinabukasan ay pumunta ako sa kompanya ni daddy nagtulak ako sa office niya.

"Daddy bakit hindi na umuuwi si Sean? Maghihiwalay na ba kami? Paano ang anak namin dad! Dalawang buwan nalang ay manganganak na ako!"

Mangiyak ngiyak kong tinanong si daddy.

"Anak wag kang oa. May business trip sila ng daddy niya baka isang linggo siyang mawawala akala ko ay nagpaalam siya sayo tungkol dito kaya hindi ko na naisip na sabihin sayo."

Tangina napaka-oa ng mga iniisip ko ang drama drama ko business trip lang pala siguro'y pinagtatawanan na ako ni sean dahil sa paguusap namin noong nasa laguna kami.

"Ngayon ang appointment ko sa doktor kaya ko siya hinahanap, ikaw nalang ang sumama saakin dad."

"Yun lang pala eh saglit lang." Humarap siya sa gilid niya at may tinawagan sa telepono "Sam- yes. Oo, pagtapos paki cancel lahat ng mangyayari sa araw na ito- oo! Wag ka na magtanong! Sige na!"

"Makulit yata ang sekretarya mo dad?"

"Oo bakla kasi kaya ganun!" Tawa naman ako ng tawa. "Akala ko dad ayaw mo sa bakla? Hahaha!"

"Hindi naman ako ang nag-hire sa engkantong yun, yung HR ang nag hire, tara na nga!" Iritadong sabi ni daddy.

Pumunta na kami sa ospital at dumeretso sa clinic ng ninang ko, yes ninang ko ang ob ko.

"Hi kumpare! Hi din sa maganda kong inaanak."

"Ninang naman hahaha!" Nag-bless ako sakaniya and she patted my head, bait talaga ni ninang ginawa pa akong aso.

"Kamusta ang pakiramdam mo nitong mga nakaraang araw?"

"So far, so good ninang wala naman po akong masamang pakiramdam."

"Oh asan nga pala ang asawa mo?" Tanong niya habang naglalakad kami, "Sige na humiga kana diyan."

"Wala po nang, may business trip daw po sila ng daddy niya eh mga 1 week daw siyang mawawala." Sabi ko habang pinapahiran niya ang tiyan ko ng cold na gel.

"Oh sige hingang malalim." Habang tinutok niya sa tiyan ko ang isang gamit at dahan dahan niyang pinapaikot sa parte ng tiyan ko.

"Ayun ang baby mo oh healthy siya at..." tinuro niya anv monitor sa taas, how i wish makita ka uli ni daddy mo.

"Lalaki ang anak mo congratulations!" Nakangiting sabi ni ninang omyghad thankyou God for giving me another man in mylife.

"Thankyou ninang!" Niyakap ko siya.
"Oh basta wag mong kakalimutan ang mga bilis ko at ang vitamins sa tamang oras bawal late kasi di tatalab at bawal ang maaga ma oover dosage ka." At inabot saakin ang picture ng ultrasound pati ang mga reseta niya.

"Sige ninang byeee! Thankyou ulit" at saka nginitian siya.

"Dadddyyyy! It's a -" Nagulat ako ng nakita ko siyang may kausap na babae halatang naiinis siya, at pinapa alis niya na ito.

Nilapitan ko siya "Dad is there a problem?" Agad niya akong hinila at hindi hinayang makalingon, pero nakita ko si "Tita Athena?"

Tumigil ako "Dad si tita athena iyon!" Sabay turo ko sakaniya "siya yung tinutukoy ko sa subdivison teka lang dad bat mo ba ko hinihila?"

"Ayokong makikipag-usap ka sa babaeng yun naiintindihan mo ba?"

"Dad bakit? Mabait naman siya eh!"

"No! Hindi mo siya kilala!" Bulyaw ni daddy saakin.

"B-bakit niyo po ako sinisigawan?" Mangiyak kong sabi.

"Anak sorry, don't be so stubborn if i tell you one thing please sumunod ka, it's for your own good." Sabi niya.

Inlove with the FuckboyWhere stories live. Discover now