Chapter 31: SEAN POV

1.7K 31 0
                                    

'I am sorry Yvonne i can't love you'

It's because of Kath
She has a leukemia and i can't leave her.

Ayan ang matagal ko ng gustong sabihin pero natatakot ako, na baka isang araw ay makumbinsi niya ang sarili niya na wag na akong mahalin.

Tuwing hapon pinupuntahan ko siya. Nakakaawa dahil hindi na siya katulad ng dati, yung katawan niya puro buto at konti nalang ang laman. Ang buhok niyang mahaba at malambot ngayon napalitan na ng synthetic artificial hair.

At ang mukha niyang maganda ngayon ay nalipas na.

Sorry Kath, sobrang laki ng kasalanan ko sayo.. kung hindi ko sana nabuntis si yvonne sana masaya pa tayo noon,

Hanggang ngayon ay galit kapa din sakin. Tuwing pinupuntahan kita hindi moko kinakausap.

Ipinangako ko kay daddy na papakasalan ko si Yvonne in favor na siya ang magbabayad lahat ng expenses para kay Kath. Ginagawa ko lahat mabuhay lang at makasama siya ng matagal..

Magisa nalang sa buhay si Kath, patay na ang matatandang umampon sakanya, ang step brother naman niya ay nasa US inaasikaso ang business nila.

Naawa ako kay Yvonne kasi niloloko ko siya, sobrang mahal kopa talaga si Kath ayokong mawala siya. Isang taon. At alam ko sa sarili ko na mamamaalam na ako kay Kath, kaya ginagawa ko lahat lahat para makasama siya hanggang sa huling hininga niya.

Noong gabi na may nangyari sa amin ni Yvonne ay ang araw na umamin si Kath na may sakit siya at Stage 3 na 10% nalang pwedeng agapan.

Nalasing ako at inakala kong si Kath si Yvonne, dahil sobrang sakit sakin na mawala si Kath.

Inamin ni Yvonne na buntis siya.
Pinaniwala ko ang sarili ko na hindi ako ang ama dahil gustong gusto ko pakasalan si kath.

Noong gabing iyon inaya kong magpakasal si Kath pumayag siya at sobrang saya ko.

Sinabi ko lahat ng pinakamasasakit na salita kay Yvonne para tigilan ako.
Pero andun din yung nasasaktan ako at naawa sakanya Pati nadin sa anak ko.

Dumaan ang dalawang buwan at nauubos na ang ipon ko dahil sa pagpapagamot kay Kath.

Umaasa akong gagaling siya.
Wala na akong malapitan lahat ng pwede kong utangan inutangan ko na.

Lumapit ako kay Daddy.
Humingi ako ng pabor na pagalingin si Kath.
Pumayag siya ngunit may kundisyon. Ang pakasalan ko si Yvonne.

Damn his business, hinayaan niya akong masaktan ng ganito at ng babaeng pinaka mamahal ko para lang siya punyetang business na yan

Pumayag ako kasi sobrang desperado na ako.

Sakto na galit din sakin si Yvonne at ayaw niyang tanggapin ako bilang ama.
Kinukumbinsi ko si daddy na ayaw niya at ayaw ko din.

Sinabi niya na "kung ayaw mo at ayaw niya ay wala ding dahilan na tulungan kong pagalingin si Kath.

Bumisita ako kay Kath.
Makina na lang ang nagpapagana sakanya, inilipat ko siya sa public dahil wala na akong pera. at dahil doon lalong lumala ang kondisyon niya.

Alam kong si daddy ang mag pakana nito, hindi niya kamintitigilan hangga't hindi ako napapakasal kay yvonne, gusto ko siyang talikuran, gusto ko pairalin ang pride ko sa daddy ko, pero hindi nilunok ko ang lahat ng iyon para mapagaling si Kath.

Kaya final na kinausap ko si Yvonne lumuhod, humingi ng tawad inako ang responsibilidad at higit sa lahat sinabi ang mga kasinungalingan na napaka imposibleng mangyari katulad ng handa akong  mahalin siya.

Naluha na ako dahil nakakagawa ako ng mali, at ayaw ko sa ginagawa ko, at lalong lalo na desperado na akong ipagamot si Kath..

Naawa ako kay Yvonne dahil sa araw araw na nagsasama kami lalong nadadagdagan ang pagmamahal niya sakin. At sa araw araw na iyon si Kath lang ang laging nasa isip ko.

Pinagmamasdan ko ang babaeng nagdadala ng anak ko at ang papakasalan ko.
Minsan iniisip ko din na posible ko naman siyang mahalin. Siguro, hindi pa ngayon.. pero mahalaga siya saakin ngayon.

Ngunit walang makakapalit kay Kath.

Noong nagpaalam ako sakaniyang aalis ako noong nasa laguna kami, kinausap ko si daddy na kausapin ang daddy ni yvo na sabihing may business trip kami syempre sinabi ko ang totoong dahilan kung nasaan ako noong una ay ayaw niyang pumayag pero kalaunan ay sumang ayon nalang siya.

Dalawang araw na akong nasa tabi ni Kath, dalawang linggo ang binigay na palugid ng doktor sa kanya, dalawang linggo na lang ay kukunin na siya saakin.

Hindi ako makatiis gusto kong makasama siya hanggang sa huli, hanggang sa dulo ng buhay niya wala na akong pakeelam sa kung ano o sino man ang masaktan.

Dalawang araw ng coma si kath hindi oa siya nagigising after the incident nung pumunta si Yvonne dito, hindi pa ako pumupunta sa bahay and i don't effing care kung matutuloy o di matuloy ang kasal, alam ko galit si daddy malamang ay nagsalita na si yvonne sa daddy niya napaka selfish niya talaga.

Inlove with the FuckboyWhere stories live. Discover now