Chapter 18

1.6K 32 1
                                    

4 months had passed, nag pa check up ako last week, and healthy naman daw kaso ewan ko normal lang ba na humihilab ang tiyan kahit 7 months palang?

Kaya doble ang pag ingat ko ngayon pati nadin si daddy at sean.

"Yvoooo! Kain na!" Sigaw ni sean mula sa baba nandito kasi ako sa taas nagbuburda ewan ko ba sa hobby ko ngayon bakit pagtatahi haha.

"Bababa na!" Sagot ko.

Pagkababa ko "asan si daddy?" Tanong ko sakaniya.

"Wala, may meeting daw yata?  Umalis kanina mga 10 am nagmamadali."

"Okay,"

1:30 nang matapos na kaming kumain umakyat ako sa kwarto namin at nagtahi ulit.

"Hon mamaya nga palang 4 aalis ako ha? Dadating kasi si daddy pinapatawag ako."

"Aalis nanaman? Araw araw tuwing hapon wala ka? Laging may reasons kesyo dumating si ganito, mag ce- celebrate si ano, birthday ni ganito ano ba yan di matapos tapos!" Iritadong sabi ko.

"Bumabalik naman ako diba? Sorry na kahapon naman di ako umalis."

"Nakakabagot dito isama mo nalang ako!"

"Hindi pwede yvo, baka kung ano ang i pagawa saakin ni daddy hindi kita maiiwanan."

"Hmph! Daming dahilan! Sige na be home before dinner."

"Bukas aalis tayo okay? Papasyal tayo saan mo ba gusto?" Yumakap siya mula sa likod ko. Pano ko ba naman siya hindi lalong mamahalin kung ganito siya kalambing?

"Enchanted kingdom. JOKE. Syempre bawal ako doon, sa mall nood tayo sine."

"Osige basta wag nakakatakot showing pa naman yung The boy ngayon yung jowa ni annabelle mamaya maging kamukha pa niya si baby eh!"

"Hahahhaha loko! Syempre hindi ayoko ng horror noh baka mapaanak ako ng wala sa oras."

Tumawa siya "Sige na maligo kana baka magalit daddy mo babyahe kapa e"

He nods and kissed me at my forehead at sa tummy ko at saka dumeretso sa banyo para maligo.

Nakakaloka talaga..

around 6:30 pm nang dumating si sean, ang gwapo niya padin talaga. Naka white v-neck shirt at black faded shorts siya ngayon.

Dumeretso siya sa dining room kung saan ako nakaupo, kakain na sana ako dahil gutom na ako sakto na dumating siya.

"Manang! Pakikuha po ng plato si sean salamat!" Sigaw ko kay manang lilia.

"Ano sabi ni daddy mo?" Tanong ko sakanya

"Wala sa company meeting lang pala, ni review ako sa paghahawak ulit ng mga resorts sa pampanga pati sa laguna, baka nga masundan pa iyon eh, ipapatawag niya nalang daw ako ulit."

"Oh, okay ikaw ba ang mag mamanage? Si ate cziara ano ima-manage?"

Inihain ni manang ang plato at spoon and fork agad naman siyang sumandok ng kanin at ulam.

"Hati daw kami sakaniya yung dalawang branch sa tagaytay, saka siya nagha-handle ng mga bagong ipapagawa." Tumango tangi nalang ako at tinapos kumain.

Pagkatapos ko ay dumeretso ako sa kwarto at naglinis ng katawan at nagbihis nagsusuklay ako ng pumasok siya sa kwarto.

"Kelan ang next check up mo?" Tanong niya sakin.

"Next 2 weeks pa, why?"

"Wala excited lang ako malaman kung anong kasarian niya, pag lalaki kaya? Anong magandang pangalan?"

Inlove with the FuckboyWhere stories live. Discover now