Chapter 26

1.5K 27 0
                                    

Nasa isang coffee shop nanaman kami umorder ako ng milkshake dahil hindi ako pwede masyado sa kape.

Nagtanong si stef tungkol saamin.

"Stef, alam mo kasi , aksidente naman talaga lahat to. Eh sakto naman na ia-arange marriage din naman pala kami ng mga daddy namin napa-aga lang weird noh? He is my crush before sa school, lumalim yon, then nung birthday ni katie may nangyari saamin, diko pinagsisisihan lahat, kasi ginusto ko, kasi gusto ko siya it sounds desperate diba? Kasi yun nung time na yun inisip ko baka may pagasa kami." Panimula ko.

"Pero nah! He is a fuckboy never mangyayari yun, sex and forget kumbaga. Pero wala i am still inlove with a fuckboy noong time na yun." Dagdag ko.

"Hanggang ngayon. Noong may nangyari samin Girlfriend niya si Kath. Mahal niya yun ramdam ko natukso lang siguro siya."

"Torture para saakin ang pagsamahin kami sa isang bubong, yung binibigyan ko nanaman ng meaning lahat ng mga magagandang bagay, katulad kanina, yung mga yakap at halik niya, iniisip ko na  'sana mahal niya na ako' o di kaya 'kelan niya kaya ako mamahalin?' Araw araw nadadagdagan yung pagmamahal ko sakanya."

"Ginawa nila julia, kyle at Angel  ang lahat sobrang laki ng utang na loob ko skanila lalo na nung time na itinakwil ako ni daddy, pero okay na, tinanggap naman na uli ako ni daddy."

"Grabe story niyo teh?! Wala ko ma say, pero ang tatag mo, bilib ako sayo kasi kung saakin nangyare yun nako una palang nasasaktan na ako, pero ikaw napagpatuloy mopa ! Ay pero wait! What about dun sa kanina yung sabi mo lagi nalang siya umaalis tuwing hapon?"

Sagot niya sa mala-nobela kong storya

"Oo dun nga ko nagtataka eh, yung una iba iba reasons nya porke pinatawag siya ng daddy niya, titingin siya damit para kay baby tas ayaw niya ko isama kesyo mapapagod lang daw ako, talos minsan dinadahilan niya barkada niya bonding daw, minsan classmates namin, minsan mga kapatid niya bonding din daw hanggang sa nasanay na ako, at siguro wala na siyang madahilan, lately dinadahilan niya ang daddy niya and their business doon naman napapaniwala ako dahil si daddy na mismk ang minsang nagsasabi saakin."

"Gusto mo sundan natin?"

Loka to hahaha!

"Natatakot ako kasi iniisip ko sila pa ni Kath, ayun lang tumatakbo sa isip ko, ayokong kontrolin siya wala akong karapatan ina lang ako ng magiging anak niya."

"Yun na nga eh INA KA ng magiging anak ka pero wala kang karapatan? Shunga ka ba?! Lisensya yan na pagbawalan mo siya! Feel ko unti unti niya na nagagawang mahalin ka sa mga kwento mo palang."

"Naalala kopa sa starbucks sabi niya sakin, "Alam kong alam mong hindi pa kita masyadong mahal ngayon Yvonne hinahanda ko ang sarili kong mahalin ka at gusto kong sanayin ang sarili kong makasama ang magiging ina ng anak ko."

"Yon naman pala bessy eh! Handa siyang mahalin ka! At ngayon sa loob ng isang buwan alam kong nagdedevelop na yung feelings niya sayo keep holding on! Wag susuko okay?"

"Sana nga.."

"Buti tinanggap ka pa ni tito Gio ang bait naman niya?"

"Oo nga eh, hindi ganito kasi yun, ipapakasal talaga kami ni sean sa tamang oras nga lang, nakipagkasundo kasi siya sa daddy ni sean kaya ayun sabi niya wala naman problema kasi doon din naman ang kapupuntahan ng lahat napa aga nga lang." Paliwanag ko.

tumangi tango siya habang nakikinig."Tara! Mag di-dinner na pala kailangan kona ding umuwi! At ikas baka maabutan ka ni Sean na wala sainyo hahaha."

Inlove with the FuckboyWhere stories live. Discover now