Part 23

395K 5.8K 137
                                    

XANDER

Galing ako sa home office ko dahil may inasikaso akong proposal from a new client. After that, naisip kong tingnan kung anong ginagawa nina Trisha at Chloe.

I saw my daughter sleeping
soundly in her room pero hindi niya kasama si Trisha. Baka nasa kwarto na namin siya. Hindi pa ako nakapapasok sa kwarto ay
nadirig ko na agad ang pagsigaw niya. Mukhang si Choleen ang
kausap niya sa phone kaya kinuha ko na agad ’yon sa kanya.

“Stop this, Choleen! Just go to hell! Subukan mo lang saktan
ang asawa ako, hindi ako magdadalawang isip na ipakulong ka!”

Galit kong ibinaba ang tawag tapos niyakap ko si Trisha. “I’m
sorry, hon. Kung ano man ang sinabi niya sa ’yo, just don’t mind her.”

“Hindi ako takot sa kanya. Basta siguraduhin niyang ’di na siya lalapit kay Chloe ulit.”

“Hindi na niya magagawa pa ’yon, hon. But you have to
promise me, ’wag ka nang makikipag-usap o makikipagkita sa kanya. Hindi natin alam ang tumatakbo sa isip niya.”

“Siya naman ang tumawag. Paano mo nagawang mahalin
siya dati, hon?”

“Hindi naman siya ganyan dati.”

“Is it because of me? Baka kaya siya nagkakaganoon.”

“Wala kang kasalanan, hon. At saka may sarili siyang isip, siya naman ang unang lumayo.”

“Pero kung wala ako dito, baka pwede pa kayong magkaayos.”

“Bago ka pa dumating, hindi ko na siya mahal. Paano ko
magagawang mahalin ang taong tumalikod sa ’min ng anak ko?
Kung sana’y kahit si Chloe man lang ay tinanggap niya noon,
baka sakali. Hon, ang mahalaga ay ang ngayon. Ikaw ang mahal
ko, kayo ng anak natin. You are my life now, my happiness, and
promise I will protect you no matter what.”

“And Chloe,” dugtong niya. Talagang hindi niya
nakalilimutan si Chloe.

Ngumiti ako. “I will protect you, our baby, and Chloe.”

“Thank you, honey. Promise, I will also do everything for
you and Chloe. I love you.”

“I love you, too.” I then kissed her on the lips. Kahit buntis
siya, ang ganda-ganda pa rin niya. At kahit anong pigil ko,
nag-iinit na naman ang pakiramdam ko. Hindi naman ako ganito dati sa ibang babae, sa kanya lang.

“Honey, don’t tell me gusto mo na naman?” nahihiyang
tanong ng maganda kong asawa.

“Pwede ba?”

“Tse! Alexander, tigilan mo ako, ha?”

“Sige na, honey, please?”

Hinalikan ko ulit siya sa labi
hanggang pababa sa leeg niya.

“Okay, hon. Pero wait lang, bitiwan mo muna ako,”
malambing na sabi niya.
Binitiwan ko naman siya pero tumakbo siya palabas ng room
namin. Sinundan ko siya as she was headed toward Chloe’s room.

“Baby, can Mommy stay here with you?” patawa niyang
tanong sa kagigising lang na bata.

“Yes, Mommy. Pati po ikaw, Daddy?”

“Ano, Daddy? You want to stay here, too?” Trisha teased.

Tumabi ako sa kanila. “Ikaw, Mommy, ha? Ang daya mo.”

“Bakit po madaya si Mommy?”

“Kasi kanina, Daddy was about to kiss Mommy. But tu—”

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil tinakpan na ni Trisha
ang bibig ko.

“Don’t mind Daddy, baby. You want milk, anak?”

Napakamot na lang ako ng ulo.

“Yes, Mommy. Gutom na po ako.”

“Let’s go, baby.” Saka niya binuhat si Chloe at bumaba na
kami sa kitchen.

“Mommy, how can the baby drink milk, e nasa loob po siya
ng tummy mo?” Ang kulit talaga ng anak ko.

“When Mommy drinks milk, that’s the time na nakaiinom
din si baby.”

“But grown up’s milk is different, ’di ba po? Pwede ba ’yon
kay baby?”

“Yes, baby. ’Yong nutrients na galing sa milk ni Mommy,
’yon naman ang nakukuha ni baby. And the doctor said it’s good
for the baby,” sagot ulit ni Trisha.

“Baka gusto mo rin ng milk,
Daddy? Kanina ka pa d’yan, e.”

“Sige lang, Mommy. May iba akong gusto, e,” sabi ko sabay
kindat sa kanya.

Pinandilatan niya ako.
“Ano po ’yon, Daddy?”

“Ah…juice, anak.”

“Are you done, baby?” tanong ni Trisha sa bata.

“Yes, Mommy. I’m sleepy again.”

“Okay. Let’s brush your teeth tapos tatabihan ka ni Mommy
matulog.”

“Yehey! Tabi kami ni Mommy matulog!”

“Dad, gusto mo rin ba tumabi sa ’min?” Ang bait talaga ng
anak ko.

“Kung okay lang kay Mommy mo, baby.”

“Is that okay, Mommy?” baling ni Chloe sa kanya.

“Sure, baby.”

Umakyat na kami pagkatapos mag-toothbrush ni Chloe.

“Behave, Daddy! May bata,” bulong sa akin ng asawa ko.

“Yes, Mommy.” Niyakap ko siya at hinalikan.

Natulog kaming magkatabi, habang nasa gitna namin si
Chloe.

The next day, dumating na si Ate Marga from Cebu. Marami
siyang dalang pasalubong para sa anak ko at kay Trisha. Hindi
ko na muna pinapasok si Chloe sa school hangga’t ’di pa sigurado kung sino ang nagkulong sa kanya sa locker.

May hinala akong si Choleen nga ’yon, pero hindi ko matanggap na kaya niyang gawin ’yon sa sarili niyang anak.

“I heard what happened, Xander. Sigurado ba kayong si Choleen ang may gawa noon?” tanong ni Ate. Magkaibigan pa
rin naman kasi sila kahit papaano.

“We’re not sure, Ate. Sana nga hindi siya dahil baka kung ano
ang magawa ko sa kanya.”

“She must be out of her mind kung nagawa niya ’yon.”

“She even called Trisha and threatened her.”

“Oh, my! What is happening to her? Nakakatakot na siya.”

“Natatakot ako para sa mag-iina ko. At natatakot ako sa
pwedeng magawa ko sa kanya.”

“Siguraduhin mo lang na hindi siya makalalapit kina Trisha
at Chloe. Wala kang ibang dapat gawin, Xander.”

“I’ll make sure of that, Ate. Pero hindi ko maipapangakong
magiging okay pa kami ’pag napatunayang kagagawan niya ang
nangyari sa bata.”

I’d put her in jail kung kinakailangan. Sumusobra na kasi siya sa panggugulo sa pamilya ko. Hindi ako makapapayag na sirain niya ang masayang buhay namin ni Chloe sa piling ni Trisha. I want a peaceful life para sa pamilya ko, and I would do
everything to keep them safe.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon