Chapter 50 - Life or Death -

13K 386 114
                                    

WHOOO. AFTER SO MANY YEARS! (Charot lang) Nakapaglabas din ng UD. To be honest, ayoko talagang dumating sa chapter na 'to at sa susunod pang chapter at sa epilogue na irerelease ko. Ang sakit-sakit lang kasi. Hays. Pero wala. Tanggapin nalang natin ang kahihinatnan nila. 

Patawad. Mahal ko naman kayo especially ang mga characters ko e. Pero tanggapin nalang ang mangyayari ha? Ang tagal kong hindi nag-update tapos gan'to ang bubungad sa inyo. Hays.

Sapphire's point of view

Nanlaki ang mga mata ko nung biglang sinindihan ni ate 'yong posporo at tinapon nalang basta.

Mabilis kumalat ang apoy at napuno na ng usok agad-agad ang lugar. Napaubo ako dahil sa mga nalalanghap kong usok.

Tinignan ko si Ace na sa tingin ko ay nagigising na.

"Ace! Wake up, Ace! Kailangan nating makatakas! Shit!" napayuko ako ng biglang may bumagsak na kahoy malapit sa'min. Pinagpapawisan narin ako at tumutulo na ang luha dahil sa frustration, kaba, takot at panic na nangingibabaw sa dibdib ko.

"Err..Ahh.. Shit.." nagising na rin si Ace dahil na rin sa sakit ng katawan niya. Bakas naman sa mukha niya ang gulat ng makita niya ang sitwasyon namin.

"W-what happened? Uhh. Shit.."

"Ace! Kailangan nating makatakas dito! We-we need to do something!" humahagulgol kong sabi. Pilit niyang kinakalag ang tali niya pero alam kong wala na siyang lakas para gawin pa 'yon.

Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa, nahihirapan na akong huminga dahil na rin sa usok na nalalanghap ko. Tumatagaktak na rin ang pawis ko dahil sa init na nanggagaling sa apoy na unti-unting tumutupok sa kinalalagyan namin. Napayuko ako.

"Sa-sapphire.."

Umiiyak akong lumingon kay Ace.

"I failed. Wala akong magawa para mailigtas ka. I'm so sorry. So-sorry. " napansin kong umiiyak na rin si Ace. Pawang mga wala na kaming natitirang pag-asa. Humahagulgol nalang kami at hinihintay ang katapusan namin.

Ace' point of view

Nakakabakla mang sabihin pero wala na akong magawa kundi ang maiyak sa sitwasyon namin. Nandito kami ngayon sa isang kwarto na unti-unti nang nilalamon ng apoy. Magkasama. Parehong nawawalan ng pag-asa.

Kahit masakit na ang mga mata ko dahil na rin sa usok na nandito sa kwartong 'to. Kahit na namimilipit na ako sa sakit sa katawan ko. Kahit malabo na ang paningin ko. Pinilit ko paring makita si Sapphire na ngayon ay nakayuko at umiiyak.

I am useless. Wala akong magawa kundi ang maiyak nalang din. Hindi dahil sa takot na katapusan ko na 'to kundi dahil sa dahilan na nagdudusa ngayon ang babaeng mahal ko. Wala akong kwenta. Wala. Patawad Kiefer kung wala akong nagawa para kay Sapphire. Patawad.

Noong mga oras na alam kong may nararamdaman sa isa't isa si Kiefer at Sapphire. Tuwing nakikita kong nag-aalala si Kiefer noong mga panahong naaksidente si Sapphire. Noong mga panahong nakikita ko kung gaano kamahal ni Kiefer si Sapphire. Alam ko na sa mga panahong 'yon na oras na para tumigil ako. Na oras na para isakripisyo ko ang pagmamahal na meron ako sa'yo Klayne. Oras na rin siguro para palayain ka at mahanap mo ang  tunay mong kaligayahan. Oras na rin siguro para mahanap mo yung taong walang gagawin kundi ang iparamdam sa'yo ang pagmamahal na meron siya sa iyo at hindi kailanman gagawin na masaktan at iwan ka gaya nalang ng ginawa ko sa' yo noon.

Napangiti ako ng mapait sa tumatakbo sa utak ko ngayon. Pero mukhang masasayang lang ang sakripisyong ginawa ko. Ayokong isipin 'to pero isang himala nalang siguro kung makakaligtas kami dito.

'Dear Lord God, humihingi po ako ng tulong mula sa Inyo. Tulungan Nyo po kaming makaligtas sa lugar na 'to. Kahit si Sapphire nalang ang mailigtas at malayo sa kapahamakan ay ayos lang sa'kin. Handa na akong mawala. Handa na akong maharap ang katapusan ko. Pero nagmamakaawa po ako na sana ay maging ligtas po si Sapphire. H'wag Nyo po siyang hahayaang masaktan at mamatay.'

"Sa-sapphire," sinubukan kong lakasan ang boses ko para marinig niya. Umiiyak siyang lumingon sa'kin.

"I failed. Wala akong magawa para mailigtas ka. I'm so sorry. So-sorry. " umiiyak kong sabi. Unti-unti na akong nahihirapang huminga. Kumikirot na rin ang mga natamo kong sugat, pasa at bugbog sa buong katawan ko pero hindi ko inalintana 'yon.

Sinubukan kong ngumiti sa kanya, "Re-remember this, Klayne. I-I lo-love you so much. I'm sorry.  I failed to protect y-you. I'm really so-sorry. Don't lose hope." kahit na ako mismo ay nawawalan na rin ng pag-asa. "Ma-makakalabas ka ng bu-buhay d-dito. Sinisigurado ko 'yan." kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi. Nagmumukha na  akong bakla sa itsura ko pero wala na akong pakialam pa. Ang alam ko lang, gusto kong masabi kay Sapphire kung gaano ko siya kamahal.

"A-ano bang sinasabi mo, Ace?! Ba-bakit kung magsalita ka ay....pa-parang iiwan mo na ako?! We...we will escape this room together! Ma-makakalabas tayo ng buhay dito! Please don't die! Please don't leave me! Please don't!" mas lumakas ang iyak niya at umuubo-ubo na rin siya. Unti-unting lumalapit ang apoy sa'min.

Dahan-dahan akong umiling. "I won't survive. Pero pipilitin kong mabuhay hangga't hindi ko nalalaman na ligtas k-kitang iniwan. I-I love you so much, Sapphire Klayne Mendoza. Mahal na mahal na mahal kita. D-Don't forget me, o-okay?"

"I-I won't! Pero please! Please lang, Ace! I'm begging you! Don't die! Please! Promise me! Promise me, Ace! Promise me na hindi ka mamamatay! Promise me"  mahina na ang pagkakasabi niya sa huling salita na 'yun. Natahimik ako.

Hindi ko alam kung matutupad ko 'yun kung sakaling mangako ako.

Ngumiti nalang ako sa kanya. Mas lalo siyang humagulgol.

"P-please don't cry. A-ayokong nakikita kang umiiyak. Ta-tahan na." mahinahon kong sabi.

"No! No! Promise me, Ace! We will get out of this room alive! To...together. H-Hindi matatapos ang buhay mo---ang buhay natin dito sa ganitong paraan! Please! Promise me...promise me, Ace" kung wala lang mga tali na nakagapos sa'kin, pinupunasan ko na sana ang mga luha niya. I don't want to see her  crying.

"Sapphire.."

"JUST PROMISE ME NA MAKAKALABAS TAYO DITO NG BUHAY. WALANG MAMAMATAY. WALA. WALA ACE. HINDI KA MAWAWALA. HINDI KA MAMAMATAY. PAREHO TAYONG MABUBUHAY. PAREHO TAYONG MAKAKATAKAS AT MAKAKALAYO SA LUGAR NA 'TO. PAREHO TAYO. TAYONG DALAWA!"

"Sa-sapphire.."

"PROMISE ME, ACE. I WANT TO HEAR THE WORD 'YES' FROM YOU. A YES THAT WE WILL ESCAPE THIS ROOM, ALIVE! PROMISE ME ACE! PROMISE.....PROMISE ME!"

Ngumiti ako sa kanya. Pinagmamasdan ko siya. Ang maganda at ang maamo niyang mukha. Ang magaganda niyang mata na ngayon ay namumugto na. Ang mga pisngi at labi niya. Pinagmasdan ko lahat 'yon. Para bang sinasaulo ang bawat detalye ng mukha niya. Ang mukha ng babaeng pinakamamahal ko.

Napaawang ang bibig niya at sunod-sunod na mga luha ang umagos sa pisngi niya. Hindi maipinta ang naging reaskyon niya. Kitang-kita ang bahid ng lungkot, sakit at takot sa mukha niya. Natulala at para bang hindi makapaniwala noong narinig niya ang mga salitang binitawan ko,

"I can't."



Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Where stories live. Discover now