Chapter 45. 5 - The Day -

11.3K 316 41
                                    

Sapphire's point of view

3pm

Nakatitig lang ako sa wall clock. May tatlong oras pa bago magsimula ang party. Nakahiga lang ako sa kama habang pinagmamasdan ang oras.

Hindi ko alam pero kanina pa masama ang pakiramdam ko. Para bang...may hindi magandang mangyayari 'pag tumuloy pa ako.

Nakaalis na rin pala si Tintin. Hindi ko na nga naitanong kung anong nangyari sa kanila ni Charles. Saturday na at noong isang araw pa kami nagkakausap. Yung sa call pa. Ano na kayang nangyari dun?

Same as Kiefer, siguro masyado silang busy kahapon at kanina. Isang text pa lang ang natatanggap ko mula sa kanya. Nakalagay pa nga ulit dun na h'wag na daw akong tumuloy sa party. Hindi ko naman magawa 'yon dahil gusto ko talagang malaman ang lahat.

Nakarinig ako ng pagkatok at biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Si Mama ang pumasok. Matapos kasing madischarge  ako sa ospital, nagstay lang si Ate Jem ng isang araw sa bahay saka umalis na rin ulit sa bansa.

"Anak, sigurado ka bang kakayanin mong mag-isang pumuntang party?" nag-aalalang tanong ni Mama.

Tumango ako saka ngumiti, "Opo, ma. Kaya ko naman. Saka may mga kaklase o schoolmates din naman siguro ako du'n dahil nakalagay naman na isang birthday party 'yon para kay Monica," sagot ko.

Napabuntong hininga si mama, "Okay. Sinabi mo e. Basta, mag-iingat ka, Sapphire" sabi ni mama. Hindi naman formal party yung party ni Monica kaya isang simpleng get-up lang ang susuotin ko. 

Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong tumunog,

'Today is the day. Attend the party if you want to know the truth, Mendoza'

Yan ang sabi ng text message na natanggap ko. Kumunot ang noo ko. Sino 'to? Si Monica ba 'to? Number lang ang nakalagay. Sa'n naman n'ya nalamana ang number ko? Umiling ako saka tumingin nalang ulit sa ceiling ng kwarto ko.

Napabuntong hininga ako. Pupunta ako sa party nang mag-isa. Bahala na kung anong mangyari. Gusto kong malaman ang totoo at kung ano ang dahilan kung bakit ginawa sa'kin 'yun ni Monica. Gusto ko ring malaman kung sino 'yung nag-utos sa kanya. Gusto kong malaman ang lahat. Lahat-lahat.

Tumunog ulit yung phone ko at binasa ulit yung text message. Nagtaka ako sa nabasa ko,

'Sapphire, do not attend the party. Please. Do not attend the party!' 

Nagulat ako ng biglang tumawag yung number na nakakatext lang  sa'kin. Nanginginig ang mga kamay ko dahil bigla ako nakaramdam ng matinding kaba. Ano na naman ba 'to? Teka, sasagutin ko ba? 

Nanginginig man, sinagot ko ang tawag. Dahan-dahan kong inilagay sa tenga ko ang phone ko at nagtaka ako nang tahimik lang nasa kabilang linya.

"H-hello?" 

Nakarinig ako ng mga kalabog. A-ano 'yun? Sunod-sunod pa ang narinig ko. Tingin ko malapit lang phone dahil malakas ang kalabog na naririnig ko, pero bakit walang sumasagot? 

"H-hello? S-sino 'to? S-sumagot ka naman o-oh," sunod kong sabi. 

[Patay ka sa'min ngayon, bata] yan ang huli kong narinig bago ko pinatay ang phone ko sa matinding takot. Shit. A-ano 'yun? Hihingi ba ako ng tulong? Pero hindi ko naman alam kung sino 'yung nagmamay-ari ng number.

--

Nagbihis na ako saka nag-ayos. 5:45 na ng hapon at 6pm ang simula ng party. Inis akong napatampal sa noo ko dahil sa nakatulog ako at napahimbing 'yun. Ilang oras na ang nakakalipas ng tumawag yung weird caller kanina. Hanggang ngayon, hindi ko maiwasang maisip 'yun. Ano bang nangyayari ng mga oras  na 'yun? Kinakabahan ako e. Saka bakit hindi n'ya ako pinapapunta sa party? Bakit? Mas lalo akong nacurious. Pero gusto ko pa rin kasing malaman ang lahat.

Nakita kong umilaw na naman yung phone ko at nakita kong si Kiefer na naman ang nagtext. Kanina pa ako kinukulit nito na h'wag na daw akong pumunta dun sa party. Alam kong may shoot sila ng five flames ngayon pero parang wala siya sa trabaho kung kulitin ako ng kulitin sa text. 

Napairap ako ng makitang tumatawag s'ya. Napabuntong hininga ako saka pinatay ang phone. Pupunta pa rin ako party at wala ng makakapagpabago ng desisyon ko.

Nakarinig ako ng busina ng kotse kaya napadungaw ako sa bintana mula sa kwarto ko bago bumaba. May kotseng itim na nakaparada sa labas ng bahay. Kumunot ang noo ko sa nakita. Anong meron? Ba't may kotse?

Narinig kong tinatawag ako ni mama sa baba kaya dali-dali akong bumaba at pumuntang salas.

"Ma, bakit po --" 

"Nak, sundo mo daw papunta sa party ng kaibigan mo," putol ni mama sa sinasabi ko. Nakita ko ang isang lalaking nakatux na nakatingin sa'kin. Walang emosyon n'ya ko kung titigan. Wala sa sariling napalunok ako at nagtanong.

"S-sundo? Hindi ko--"

"Miss Monica ordered me to fetch you, Miss Mendoza," sabi ng lalaki gamit ang isang malamig na tono. Napatingin ako kay mama na nag-aalalang tinitignan ako saka marahang tumango. Hindi ko alam kung bakit pero masama ang kutob ko. Hindi kaya napaparanoid lang ako? Malalim akong bumuntong-hininga saka sumama 'dun sa lalaking inatasan ni Monica.

Nakita ko sa labas ang isang van. Nagtaka ako. Bakit van? Dalawa lang ata kami sa kotse e. Nagtatakha man ay sinundan ko parin yung lalaki. 

Pinagbuksan ako ng lalaki ng pinto ng van. Hindi n'ya ako pinapasok sa passenger seat dahil nakita kong may kasama pa pala s'ya. Pagbukas ng pinto, nakita kong madilim lang sa loob. Walang ilaw sa loob nung kotse. Mas lalo akong kinabahan. Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko.

Nag-aalangan man, wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob. Mabilis namang pumunta sa driver seat yung lalaki kanina. Napansin ko na yung lalaking nakaupo sa may passenger seat ay nakasuot ng mask. I wonder why.

Ganun din yung lalaking nagsundo sa'kin. Naglagay din s'ya ng mask. Yung mask na kadalasang nakikita sa ospital. Yung nagtatakip sa ilong at bibig. 

Hindi ko alam kung bakit pero hinayaan ko nalang. Nakatingin lang ako sa bintana ng magsimula na ang byahe. Mga nasa ilang minuto na rin ang nakakaraan ng magtanong ako.

"Um, mga kuya, ano lang. Diba 6pm po yung simula ng party? Pwede po bang malaman kung anong oras po 'yun matatapos?" wala kasing nakalagay dun sa invitation. 

Tinignan lang nila ako dun sa salamin saka hindi sumagot na para bang hindi ako nagtanong. Napahikab ako. Hindi ko alam pero bigla ulit akong nakaramdam ng pagka-antok. Nakatulog naman ako kanina at sobrang himbing pa kaya nagtataka ako kung bakit bigla akong inaantok.

Narinig ko na may sinabi yung nagdadrive ng kotse,

"Hindi ka na makakauwi," papikit-pikit na ang mga mata ko pero hindi parin ako nakaligtas sa kabang bigla kong naramdaman.

"P-po? Ano...ano pong....ibig...n'yong..sabihin?" 

Nanlamig ang katawan ko ng maramdaman ko na may malamig na bagay na nakatutok sa sentido ko. Ba-baril..

"You'll be............."

Hindi ko na narinig ang sinabi nung nasa passenger seat dahil nandilim na ang paligid ko.



Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Where stories live. Discover now