Chapter 18 -In the rain-

16.1K 496 2
                                    

[Rune Gonzales of F.F in the picture! His face kase is kinda cold or mysterious for me so I made his character harsh ng konti!]

Sapphire's POV
School

"Class dismissed" sabi ni Mam History. Agad agad namang nagligpit ang mga kaklase ko at saka umalis samantalang ako nagliligpit lang. Pumasok pa rin ako kahit na medyo nanghihina ako. Hindi ako pala absent sayang attendance at mahirap makahabol sa lessons. By the way.. Five Flames is not here..May photoshoot sila. Ops! Sinabi lang sakin ni Renz hindi ako stalker. Minsan kasi lagi nila akong sinasabay pauwi pero no choice kundi maglakad nalang hehe.

Ng naligpit ko na ang mga gamit ko..akmang tatayo na ako ng biglang..

"Ahm. Sapphire..Pinapatawag ka ni Mam Trish. Punta ka daw sa office nya." sabi sa akin ni Annie..Ang aming class president..

Tumango nalang ako at pumunta na sa office ni mam trish.

-Office-

*tok tok tok*

"Come in" rinig kong sabi ni mam mula sa loob.

"Ahm mam trish..Pinapatawag nyo daw po ako?" saad ko pagkapasok na pagkapasok ko.

"Oh yea..Ms. Mendoza I want to ask you if you are ready for the quiz bee." sabi nito.

"Yes mam..Pinaghandaan ko na po iyon"

"Good. Do your best ms. Mendoza. We're looking forward to your game."

Nagsmile na lang ako at tumango.

"Oh. Can you do me a favor?" sabi ni mam.

"Yes mam what is it?"

"Paki bigay naman itong mga papeles sa dean and please kunin mo yung mga mathematics books mula sa librarian. Gawin mong reviewer iyon."

Nag 'okay' na lang ako at umalis na..

Hawak ko na rin yung mga papeles na ibibigay sa dean. Ang dami.

Pumunta na ako sa office ng dean pero sa kasamaang palad wala sya sa office nya kaya kelangan ko syang hanapin.
"Ano ba yan! Naging alalay pa ako ng wala sa oras!" sabi ko sa isipan ko.

Aba totoo naman eh.

After

123456789 years..Sa wakas nahanap ko na din ang dean. Ang sama ng dean namin! Pinaghanap pa ako! Feeling importanteng tao. Tss.

Agad-agad naman akong nag punta sa library! Peste nasa 2nd floor pa..Eh nasa 4th floor pa ako. Bababa pa ako wala pa naman ding elevator dito hagdan lang na dinaig pa ang buhok ni Rapunzel sa haba! Psh.

(A/n: Hindi naman po sobrang haba ng hagdan ng school nila..Sadyang OA lang si Sapphire..Pagpasensyahan nyo na lang po! xD)

***

"Aish! Ano ba naman! Ang bigaaaat!' reklamo ko habang hawak hawak ko ang librong gagamitin ko..

Andito na ako sa lobby at inaayos ko na lang yung mga gamit ko sa locker.

Ng matapos ko ng ayusin ang gamit ko saka ko lang narealize..

Umuulan pala.

Ay nako! Wala pa naman din akong payong tsaka gabing-gabi na wala ng masasakyang jeep. Pramis! Ang ganda at ang swerte ng araw ko ngayon..Grabe lang*sarcasm*

No choice ako ngayon kundi...

Takbooooooo!!

Takbo dito..takbo doon! Whew! Ang lakas ng ulan! Kulang na lang ang shampoo at sabon at viola!  Pwede na akong maligo ngayon din!

After 30 years--este 30 minutes na pagtakbo. Sa wakas! Nakauwi din!

Nagpalit at nagpatuyo nalang ako at pumunta na sa kusina. Nagbukas nalang ako ng sardinas dahil ramdam kong pagod na pagod ako na halos hindi ko na kayang buksan pa yung stove.

Pagkatapos kong kumain..

Umakyat na lang ako saka natulog.

This day is a super-duper-ultimate- mega-long-day! New achivement to dahil nakaya ko pang pumasok!
Congratulations Sapphire! Congratulations!

------------

Readers! Good news! Konti  nalang ang  projects! Wala ng exams! Sa March 12 pa! Makakabalik na ako!

Napaaga ang balik ko sa watty! Yehey!

Sa Tuesday ang nxt UD.
Sensya na kung panget lang at short ang UD ko..May binabalak ako kay Kiefer eh HAHAHa!
~MelodyPiece~

Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Where stories live. Discover now