Chapter 13 -Call-

17.7K 578 48
                                    

-Sapphire's POV-
-Locker room-

Hmmm~
Hmmm~
Hmmmm~

"Huy!"

"Ay palaka!"

Napatingin naman ako sa gumulat sa akin..

"Ano ba!! Tin naman eh!" suway ko at bumalik na sa pag aayos ng gamit sa locker..Kita namang nag eenjoy ako sa pag hum eh! Stress na stress ako! Hay..Grabeng quiz bee naman oh!

"Hala? Grabe naman yang librong yan! Para yan sa quiz bee diba?" tanong ni Tin.

Tumango na lang ako..Pauwi na kami at syempre sabay kaming umuwi ni Cristine. Lagi naman eh..

"Hello girls!" napalingon naman kami kung sino iyon..At grabe...Kinikilig na naman itong si Cristine Granfiel! Si Steve pala iyon...With matching kindat pa sa amin..Yak naman! Nag 'Hi' naman si Tin samantalang nag smile na lang ako..

Eh sa busy eh! Ang bigat bigat kaya ng mga librong hawak ko

Pero ang ikinagulat ko..

Lumapit sa akin si Kiefer at binitbit yung mga books ko! At eto na naman po si Heart..sobrang bilis ng beat! Ng may naisip ako 'GHAD! Hindi kaya...
No! Hindi pwede yon!' sabi ko sa isip ko sabay iling ng mabilis. Nagtataka naman itong mga kasama ko..

"Tss..bilisan mo nga! Hatid na kita sa bahay nyo.." sabi ni Kiefer sa akin.. A-anu daw?! H-hatid a-ako?! Napatingin naman agad ako sa five flames at lahat sila..nagulat sa sinabi ng leader nila..Bakit anong meron?

"T-teka! Pano ako?!" Sabi ni Tintin..

Hala? Oo nga pano sya? Hindi na narinig ni Kiefer iyon dahil nakalayo na sya..Grabe..ang bilis maglakad nung lalaking iyon!

"Halika na..Ako na lang maghahatid sayo." sabi ni C-Charles?

Tumango na lang si Tin..Gabi na din pala..Kaya siguro ihahatid na kami ng mga to.

Sabay sabay na kaming pumunta sa parking lot..At mapapa wow ka..

Pano ang mga mokong may sari-sariling kotse..at take note! Lamborghini lahat! Iba talaga pag artista..Magiging bigatin ka! Hayy! Mag artista na lang  kaya  ako? Ay..wala naman akong talent eh.*sigh*

"Bye best friend!" sigaw ni Tin mula sa kabilang side ng parking lot..Nasa magkabilang dulo kase ang mga kotseng sasakyan namin. Pero kahit na nasa malayo sya..Alam kong kinikilig yan! Well..Kahit naman ako eh...Yun nga lang..Konti lang!

Ewan talaga ha? Pero every time na nakikita ko tong leader nila..Nararamdaman ko ulit yung feeling na kasama ko ulit si...Aish! Kilala nyo na! Ayaw ko ng maalala ko pa yung lalaking niloko ako! Pero..

Ako naman kasing si Tanga..Nagpapaloko. Hayy!

"San bahay nyo?" tanong ni Kiefer habang nakatingin sa manibela..

"Ahmm..Dun sa pinakamalapit na subdivision.." sagot ko..

"Ah. Magka subdivision pala tayo.."

Sabi nya..At sinimulang paandarin ang kotse. Habang nasa byahe kami ay talagang nakaka bingi ang katahimikan namin...

"Wala bang sound system sa kotseng to?!"

Pero syempre sa isip ko lang sinisigaw yan..Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong  6:00 na pala.

"Dito ba?" tanong ng katabi ko..At..

Oo nga no? Andito na pala kami?

Tumango na lang ako at lumabas pero bago ako pumasok sa loob..

Kumatok muna ako sa bintana ng seat nya..Binaba naman nya ito at binigyan ako ng 'ano-pang-kelangan-mo-look?'

"Thank you" and I gave him a very sweet smile..Yung tipong matutunaw sya? Oo ganun..Pero joke lang..Hindi pwedeng matunaw yan..Tao yan eh hindi yelo.

"Ah..You're welcome..Sweet dreams..By the way magkatapat lang pala tayo ng bahay.." sabi nya sabay taas ng bintana at sabay park ng kotse nila sa garahe ng bahay nila..

Akala ko ba gentleman yon? Hindi naman ata eh.

Pumasok na ako sa bahay namin ginawa ko na ang mga kelangang gawin..At

balik aral ulit..Hayy...
-Kiefer's POV-
-His room-

Kanina ko pa iniisip..Hinatid ko ba talaga sya?! Takte..Atsaka pag nakikita ko sya ang bilis ng puso ko! Syet! Ang gay! Love ba to?
Hindi pwede to..Taken na ako sa ibang tao. Sumilip ako sa bintana at tinignan ko ang bahay nila..

Malaki sya at Maganda..Mayaman pala sila? Nakita ko pang bukas pa ang ilaw ng isang kwarto nila..

at nakita ko syang nag aaral pa..Tsk!  Masyadong masipag..Pero..

Ano bang nangyayari sa akin?! Eto na namang puso ko! Ugghh!! Damn! Bat ganon?!

*Riiiiing*

Huh? Agad kong kinuha ang iphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag..

Calling Eliza..

"Hello?"

"Hi Jaze! How are you?"

"Im fine"
"Really? That's good!"

"Bat ka napatawag?"
"Hmm? Hindi mo ba ako namimiss?"

"Nah..Miss na kita..Miss na miss"
"Hihihi! By the way uuwi  na ako ha? Malapit na! I love you honey!"

"Okay..I love you too"

at binibaan ko na sya ng phone..

Uuwi na pala sya..

Uuwi na pala galing New York ang..
girlfriend ko..

-------------

Sorry kung natagalan ang UD..Medyo madaming activities at projects sa school eh..

Vote and comments ha?

Lovemats!


Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Where stories live. Discover now