Chapter 27 -Ace and Reasons-

14.8K 479 4
                                    

-Sapphire's POV-

"Grabe ang ganda nya no?"

"Oo nga ang ganda! Bagay sila!"

"Hmp! Edi wala na tayong pag asa kay Kiefer?"

"Ha? Oo nga noh? Mas bagay kami!"

"Assumera! Kami kaya!"

"Ilusyanada! May jowa ka na!"

"Oh? Edi i break!"

Napailing nalang ako sa pag uusap ng tatlong babae. Andito kase ako sa may gilid sa may park ng school. Hindi na sa likod ng gym naaalala ko kase yung aksidenteng nangyari sakin doon. (Chapter 7-trapped-)

Nakaupo lang ako sa may lilim ng mga puno habang pinag mamasdan ang five flames kasama yung fiance nung leader nila. Psh parang di ako nag confess ah? Nakakainis nagmukha na nga akong kahiya hiya tapos t-tapos... *sob* nabalewala lang.

Di ko na mapigilang umiyak dahil sa naalala ko na naman yung nangyari.Aish! nakakainis kasi eh!

"Alam mo lagi ka nalang malungkot lately" nabigla ako sa taong nagsabi sakin nun. Ayan na naman sya nanggugulo.. Tss.

"Alam mo Ace..Manahimik ka na lang okay? Yun..Makakatulong ka pa sakin!" sabi ko sabay yakap sa mga tuhod ko. Kasi naman! Ang kulit nya lang! Isa pa sya eh! Napatawad ko na sya..Alam ko na rin ang katotohanan.

Nung time na yon..Dun ko nalaman ang reason nya. At nalaman ko na nakabalik na pala sya.
-Flashback-
(A/N: Eto po yung nangyari nung nag usap sila..Si Ace ay yung guy na pinapa uwi si Sapphire dahil may sakit sya.. SEE CHAPTER 19 para malinawagan ulit kayo..POV ni Sapphire parin to)

"ANO BA ACE!!" sabi ko saka sya tinulak. Bakit andito sya?? D-diba pina alis ko na sya?

"Please Sapphire..L-let me explain." garagal na ang boses nya..Teka..Umiiyak sya?
Unang beses ko syang nakitang umiyak..Noong kami pa..Napapakita nya sakin ang feelings nya sa pamamagitan ng mga mata nya..Pero ngayon....
"Please..I love you. I really do..So p-please let me explain. Please" sabi nya habang nakayuko at tumutulo ang luha. Hindi na ako nakapag salita pa dahil sinimulan na nya ang nangyari noon.

"Y-yung nakita mo at narinig mo. Oo..Inaamin kong sinabi ko yon na 'di kita sineryoso dahil easy to get ka' pero y-yun yung nararamdaman ko noong bago palang tayo..Nung kaka-on lang natin pero habang tumatagal narealize kong 'tinamaan pala ako sayo' Sh*t! D-di mo alam kung ano yung naramdaman ko noong nakipag break ka sakin. Lagi kong tanong sa sarili ko kung bakit..Bakit pa?! Ang sakit! H-hanggang ngayon di pa rin ako nakakapag move on..Alam mo ba yun?! Nung araw na umalis ako patungong ibang bansa..Wala talaga akong balak sumama sa mga parents ko nun. Nalaman ko lang na may leukemia ang kapatid ko kaya sumama ako. Ilang years din ang tinagal para gumaling sya pero sa huli..Di nya rin kinaya. Kaya naman umuwi ako para hanapin at kausapin ka para ipaliwanag sayo ang lahat"
natulala ako sa mga sinabi nya..Pero may mga tanong parin ako sa sarili ko
"K-kung ganon..A-ano yung nakita ko sa storage noon? Yung may kahalikan kang babae? Tapos nalaman ko pang pinagpupustahan nyo lang ako ng mga ka tropa mo! Ano yon?! Sabihin mo!" bakas sa boses ko na umiiyak ako..Garagal na ang boses ko at ramdam ko na rin ang mga maiinit na luha sa mga mata ko.
"Si Angel yung babaeng yun..Sh*t! Nawawala yung cellphone mo noon hindi ba?! Tumawag ako sayo noong oras na yun tapos nalaman kong na kay Angel yung cellphone mo kaya nung tumawag ako sya yung sumagot! Sinabi pa nga nya sa kin na nasa panganib ka at nakulong sa storage room! Pero sh*t! Pagdating ko dun dinatnan ko sya na nasa storage kaya naman bago ko sya tanungin kung nasan ka ay hinalikan nya na ako! At ang bwisit pa sakto mo kaming nakita sa ganong posisyon! And yeah totoong pinagpustahan ka ng mga ka tropa ko..Kaya lang ang mga gag* hindi lang ikaw kundi pati ako! Wala akong kaalam alam nun! Nung sinabi mo sakin na break na tayo at nung nalaman kong pinagpustahan ka namin..Agad kong sinugod ang tropa ko at binugbog! Ngayon naiintindihan mo na?!" Napatango ako ng wala sa oras. Umiiyak parin sya hanggang ngayon..Kaya naman niyakap ko sya at sinabing
"P-pinapatawad na kita Ace! Pero p-patawad din dahil hinusgahan agad kita..S-sorry..S-sorry" sabi ko habang umiiyak kasabay nun ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Pero napatigil ako sa mga sunod nyang sinabi.
"Will you give me another chance? Tayo na ulit?"

"No..May iba na akong gusto." sabi ko. Ramdam kong nagulat sya pero---

"Then I will court you. Babalik ako dyan sa puso mo." saka nya hinalikan ang noo ko.

-End of Flashback-

--------------
End of Chapter 27

Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Where stories live. Discover now