Chapter 47 - Unexpected -

11.3K 337 72
                                    

Kiefer's point of view

"Damn! Cannot be reach parin!" inis kong binagsak ang phone ko sa sofang kinauupuan ni Steve.

"Kanina ka pa palakad-lakad d'yan, Jaze. Kung gusto mong magpahilo, pwes kami ayoko! Umupo ka nga!" hinila ako ni Renz paupo sa tabi n'ya.

"Sino ba 'yon?" tanong ni Rune.

"Sapphire," sagot ko. Inis kong ginulo ang buhok ko saka sinubukan ulit tawagan si Sapphire.

"The number you dialed is out of the coverage area. Please try again later"

"What the f--"

"Ops! Ops! Bawal magmura, Jaze! Kalma lang!" tinapik-tapik ako ni Renz kaya napabuntong-hininga ako saka ulit ginulo ang buhok ko.

"Jaze! H'wag mong guguluhin ang buhok mo!  Hindi pa tapos ang photoshoot n'yo!" sita ng stylist namin. Napahilamos nalang ako ng mukha saka tumango. Tinignan ko ulit ang phone ko na baka may call o isang text man lang galing kay Sapphire pero napailing nalang ako nang makita kong wala..wala kahit isa. 

"Ba't ka ba parang alalang-alala?" tanong bigla ni Steve sa'kin. Napasandal nalang ako sa sofa saka ipinikit ang mata at hindi na nag-abala pang sagutin ang tanong ni Steve sa'kin. 

"Kasi nga diba, nakatanggap ng invitation si Sapphire mula dun sa Monica? Baka dahil dun kaya siya nag-aalala," sagot naman ni Renz sa tanong ni Steve.

"Ha? Ano namang masama dun? E, parang invitation lang pala. Party lang yun diba?"

"Haay nako.. Ewan ko sa'yo, Steve. Hindi talaga kita maintindihan kung sadyang slow ka lang talaga o tatanga-tanga..haay nako." 

"Aba't!" 

"Masama 'yon dahil si Monica ang dahilan kaya naospital noon si Sapphire. Pa'no kung may balak na naman palang gawin si Monica kay Sap? Nag-aalala lang si Jaze sa kanya dahil pumunta pa rin si Sapphire sa party. Kahit ako, mag-aalala kung si Tintin ang pupunta sa party ng taong dahilan kaya siya naaksidente," singit bigla ni Charles. 

"Shit! Ang lalim ng pinaghuhugutan mo dun, Charles! Ibang klase!" - Steve

"Yan ba ang epekto sa'yo ng pagiging malungkot dahil wala si Christine sa tabi mo? Aba'y matinde!" - Renz. 

"Ang daldal n'yong dalawa. Lalaki ba talaga kayo?" rinig kong tanong ni Rune na may bahid ng pagkairita.

"Oo naman. Gusto mong patunay? Ilan ang gusto mong anak?" - pang-aasar ni Steve.

"Gago." 

"HAHAHAHA! Ayan! Nagago ka tuloy! Wala ka pala e!" - Renz.

Natigilan silang lahat at agad akong tinignan ang phone ko ng bigla itong mag-ring. Napakunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

Sapphire's Point of view

"Sigurado ka ba talaga sa balak natin na'to, Ace?" nag-aalalang tanong ko. Nginitian niya ako saka dahang-dahang tumango.

"Trust me. Basta sumunod ka lang sa plano." 

Pinagmamasdan ko siya habang pilit niyang tinatanggal ang pagkakatali sa kanya. Mukhang hindi naman talaga mahigpit ang pagkakatali sa kanya nung mga lalaki kaya nakakalag niya ang lubid sa kamay niya.

"KAYONG DALAWA!" nanlaki ang mga mata ko ng biglang may pumasok na isang lalaki sa kwartong kinalalagyan namin. Napalunok ako saka simpleng sinulyapan si Ace na pansamantalang tumigil sa pag-aalis ng tali sa kanya. 

Sana hindi niya mapansin na unti-unting nakakawala si Ace..

"Hoy, ikaw babae!" napatingin ako sa lalaking papalapit sa'kin.  Umigting ang kaba sa dibdib ko ng magkaharap na kami ng mukha nung lalaking pumasok. 

Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora