Final Chapter

43.7K 588 82
                                    

THIRD PERSON POV

Ngayon na ang araw na hinihintay ni Cassy. Ngayon na ang araw ng lipad nila patungong Paris. Habang nag-iimpake siya ng mga gamit niya, nakaramdam siya ng kalabit sa balikat niya. 

Paglingon niya, nakita niyang nakatayong luhaan si Aleyna. "Tita! Can you drive me sa St. Luke's Hospital before you take me to Mommy po?" 

"What's wrong, baby?" Nag-aalalang tanong ni Cassy sa kanya. 

"Si Kinami po, inatake daw po ng Hika niya. Tita, I want to say goodbye before I go to mommy." 

Tumango si Cassy at pagkatapos ilagay lahat ng gamit sa kotse niya, dumayo sila patungo sa ospital kung saan naka-confine si Kinami. Tinawagan na din ni Cassy ang pinsan niya para sabihin na doon nalang niya sunduin si Aleyna. 

Pagkadating nila sa ospital, sinundan nila yung nurse patungo sa kwarto ni Kinami. Maingat na binuksan ni Cassy ang pinto at bumungad sa kanya ang kama kung saan walang malay na nakahiga si Kinami at si Ayumi na nakaupo sa tabi. 

"Oh Cassy, bakit ka nandito?" Nagugulong tanong ni Ayumi. Alam niyang ngayon ang alis nila ni Chiro papuntang Paris kaya nagtataka siya kung bakit nandito pa siya. 

"Aleyna's a classmate of Kinami. She wanted to say good-bye bago siya umalis." Sa araw na ito, hindi lang pala si Ayumi ang mawawalan kundi pati si Kinami. 

"Sayang naman, hindi ka maabutan ni Kinami bago ka umalis." Nanghihinayang na sinabi ni Ayumi. 

"Okay lang po, pwede ko po ba siyang lapitan para makapag-goodbye po ako sa kanya?" Tanong ni Aleyna kay Ayumi. Agad namang tumango si Ayumi.

Lumabas ng kwarto si Ayumi at Cassy para bigyan ng privacy si Aleyna. Kapansin-pansin ang di-kumportableng eksena sa pagitan nilang dalawa. "What happened to him?" Tanong ni Cassy. 

"Ayun, nasobrahan sa takbo. Inatake ng Asthma." Paliwanag naman ni Ayumi. 

"Magiging okay lang ba siya?" 

"Of course he will, he has to. I only have him and he only has me. We have to stay strong for one another." Biglang nakaramdam ng guilt si Cassy pero di niya ito pinansin. 

"On the way na ang Mommy ni Aleyna to pick her up. Kailangan ko ng umalis." Bago pa makapag-paalam ng maayos si Ayumi, naglakad na papalayo si Cassy. 

For the first time in her life, she felt guilt. 

***

CASSY'S POV 

Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon