Chapter 9: Their Secret

52.9K 617 47
                                    

AYUMI'S POV


"Haha! Nakakatuwa naman!" Sabi ni Mama habang tumatawa sa mga kwento ni Kuya Mikel. 

Hindi lang basta-basta ginawang hotel ang bahay namin, ginawa ring conference room. Nandito ngayon si Mommy, si Daddy, si Lola, si Chiro, si Kuya Mikel at si Kuya Gab.

"Chiro, Anak, pwede ka bang makausap sa labas?" Oh, bakit naman biglang gustong kausapin ni Mommy si Chiro? 

"Sige po." Tumayo silang dalawa at lumabas papunta sa Garden. 

Ano kaya ang meron sa dalawang yun? Tatayo na sana ako para makinig nang hilahin ako paupo ni Kuya Gab na nakaupo sa tabi ko. "Masamang makinig sa usapan ng iba, dito ka lang." Sabi niya.

"Oo nga Sweetheart, dito ka nalang at tayo ang magke-kwentuhan." Waah! Si Daddy naman eh. Nakakadiri naman yun, SWEETHEART. "Kamusta naman kayo ni... Chiro." 

Cold si Daddy pagdating kay Chiro, 'di ko nga lang alam kung bakit. "So Far buhay pa naman po ako at hindi pa naman niya po nilalagyan ng lason yung pagkain ko." Pabiro kong sinabi.

"Hmmm... mabuti naman kung ganun." Ano ba yan, bakit parang may tinatago sa akin si Daddy. Hmpf, malalaman ko rin yun noh. "Basta kapag pinaiyak ka niya, sabihin mo agad sakin at tututukan ko ng shotgun."


"Oy, Oy, Oy! Di mo pwedeng tutukan ng shotgun ang manugang ko, kailangang lumago ng lahi natin noh!" Nandyan na pala si Mommy.

Bumalik na si Chiro sa tabi ko at hinawakan ng mahigpit yung kamay ko. "Huy, anung meron?" bulong ko sa kanya. Hindi ko kasi mabasa yung expression niya kasi laging pokerface. Di ko tuloy masabi kung masaya ba siya o malungkot. 

Imbis na sumagot siya, niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan yung noo ko. 

"Hoy, doon nga kayong dalawa maglabing-labing sa taas. Bawal ang PDA dito" Pang-aasar ni Kuya Gabriel.

"Kailan niyo ba balak kaming bigyan ng apo?" Tanong naman ni Mommy.

"Wag mo silang madaliin, magiging hassle sa pag-aaral ni Ayumi kapag nabuntis agad siya." Tama nga naman si Daddy at tsaka baka sabihin nila na ang landi landi ko lalo na kapag hindi nila alam na kasal na ako. 

"Oo nga naman Mhie." Sabi ni Kuya Mikel. "Tsaka na sila magka-anak kapag may trabaho na sila at kaya na nilang buhayin ang magiging anak nila."

"Eehh basta, gusto ko na ng apo!" Ayoko pang ma-losyang! Hindi pa pwede! T.T

***

Pagkatapos ng mini-family gathering na yun, umalis na silang lahat maliban kay Mommy. "Masaya 'to! Hihihi, doon ako sa sofa niyo matutulog sa kwarto niyo ha?" Nakangiting sinabi ni Mommy.

Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon