Chapter 8: Kuya & I

62K 664 49
                                    

AYUMI'S POV

Nakatitig lang ako habang dinadala ni Mommy yung mga gamit ko na nasa Guestroom papunta sa Master's bedroom. "Ang dami mo namang gamit dito, Anak." Pagrereklamo niya. 

Malamang, dito kaya ako natutulog. "Ehehe, Hindi parin kasi ako Sanay na may kasama sa kwarto kapag nagbibihis eh, Mommy." Hindi na ako matatanggap sa langit nito T.T

"Kasal na naman kayo... Nakapag-talik na rin naman kayo, ano pa ang ikahihiya mo?" Waaah! Ano ba namang topic 'to? Nakapag-talik? Shemaybells! 

"Mommy naman eh! Asan na ba daw si Kuya? Nauna pang umuwi yung maleta niya." Pag-iiba ko ng topic. 

"Papunta na rin dito ang Kuya mo, may dadaanan lang daw muna siya. Na-miss daw niya kasi. Nako, isa isa na kayong nagkaka-lablayp. Paano na ako niyan pagtanda ko?" -Mommy

"Wag kang mag-alala Mommy, babayaran ko ang pag-stay mo sa Home for the Aged" -Ako

*PAK* Uwaaah! Ang sakit nung hampas sa batok! "Anung Home for the Aged ang pinagsasasabi mo ha? Ikaw kaya ang ikulong ko dun." -Mommy

"Joke lang naman Mi. Ako na nga diyan, balikan mo na yung niluluto mo sa baba" Pinagtulukan ko siya palabas ng guestroom. Nilagay ko lahat ng gamit ko sa isang box at dinala sa kwarto ni Chiro.

Pagkapasok ko, nakahiga siya sa kama at nagbabasa ng libro. Hay, makatulog kaya ako?

***

YANNA'S POV

Yes! Tapos na yung Homework! Ang Talino ko talaga! Mwahahahahaha! "Yanna, Anak! May Bisita ka!" Oh? Sino kaya yun? 

Iniligpit ko yung gamit ko at shinut-down yung laptop ko. Dali-dali akong bumaba ng hagdan. 

At Wow (O.O) Ba't ang daming gamit dito? "Hi Yanna, Long time no see." Napatingin ako doon sa nagsalita. Ang Gwapo! 

\(*O*)/ "Uwaaaaah! Kuya Mikel!" Napatakbo ako at Napayakap sa kanya. "Kelan ka pa bumalik?" Humiwalay na ako sa yakap pero nakangiti parin ako. \(*u*)/

 ~(*O*)~ Ang Pogi, Pogi niya paren! Ginulo niya yung buhok ko. "Ang Cute mo talaga.. Haha! Kakauwi ko lang ng Pilipinas. Dumaan agad ako dito para iuwi yung mga hinihingi mong pasalubong"


"Ayiee, Ang Sweet naman. Magkano ang nagastos mo dito? Baka napaka-bonggang price yan ah, sabihin mo lang at babayaran kita" Marunong naman akong mahiya noh. XD

"Saan ka nakakita ng pasalubong na binabayaran? Ilang Droga ba ang na-hithit mo nung wala ako? Kung saan-saan ka siguro dinadala ni Ayumi, gugulpihin ko yun mamaya" Nyaaay! Ang Brutal. May pinagmanahan si Ayumi. Hahahaha!

Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon