Chapter 19.2: Their Great Escape

44K 487 24
                                    

AYUMI'S POV

"Hindi ako iiyak, Hindi ako nasasaktan." Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko pero napaka-traydor talaga ng luha ko. Ramdam na Ramdam ko sa mga pisngi ko ang mainit na daloy ng mga luha ko. 

Akala ko ba mage-explain siya kaya niya ako inaayang makipag-date? Bakit nandoon si Cy? Pinaglololoko niya ba ako? Eto na ba ang Karma ko sa pamamangka sa dalawang ilog? Putapete, ang sakit. 

Hinintay kong kumalas si Kiel sa halik at iwanan sa ere si Cy para hanapin ako pero hindi niya ginawa. Imbis na magalit siya, nginitian pa niya si Cy at sumama sa loob ng Cinehan. Tangina! 

Wala akong ginawa kahapon kundi maglupasay sa kwarto. Buti nalang at hindi ako kinulit ni Chiro. Monday na naman at makikita ko nanaman siya. Parang ayoko na. Pwede bang magpa-transfer ng School? 

Kino-kontak ako kahapon ni Kiel pero 'di ko sinasagot yung tawag niya. Ayokong maka-istorbo sa date nila ni Cy. Tama nga ang sinabi ni Yanna, dapat pinakawalan ko na si Kiel dahil hindi rin naman magtatagal ang relasyon namin. Sino nga naman ba ang makukuntento sa pagiging kabit? 

Speaking of the Devils, ayan yung couple ng school namin oh. Sabay pang pumasok with matching holding hands pa. Sinamaan ko ng tingin si Kiel at agad naman siyang umiwas ng tingin. "They're so bagay talaga just like what the paper said! Biruin mo naman, hindi nila ikinahihiya ang relasyon nila sa publiko! Cy is exactly the girl Kiel needs." Sabi nung babae sa tabi ko.

"Oo nga eh. Hindi natatakot si Cy na magka-scandal siya at masira ang career niya. Mga nagagawa nga naman ng pag-ibig, Hihihi!" -Girl #2

Dahil sa nakaupo ako sa may Lounge ng Main Hallway, tumigil si Cy at Kiel sa may harap ko. Magkaiba nga kasi sila ng Course. "Sige Kisses ko, Mauna ka na sa classroom niyo. May kailangan nga pala akong hiramin na libro sa library." Sabi ni Cy.

Binigyan naman si Cy ng isang matamis na ngiti ni Kiel. Tanginang Torture! Ang sakit lang ha! "See You mamayang Lunch, sabay tayong kumain." Kailangan talagang lakasan?! 

Kitang kita ng dalawang malinaw at magaganda kong mata na binigyan ni Cy si Kiel ng smack sa labi, nang maka-alis na si Kiel, agad namang tumakbo si Cy papunta sa direksyon ng library. Hindi niya napansin na may nalaglag siyang papel. 

Pwede ko siguro 'tong gamitin para sa gagawin kong pangkukulam sa kanya. 

Sinimot ko yung papel at tinignan yung laman. "... Mahal na Mahal kita Kiel Natividad, lagi mo yang tatandaan. Hanggang sa Muli, Cy ..." Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. 

                        [See 'Chapter 15: Seducing my Ex' for the whole letter]

***

*SLAP* Binigyan ko siya ng isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi. "Hanggang Kailan mo ako balak lokohin?! Ha?! Sabihin mo nga sakin yung totoo, Rebound mo lang ba ako?!" Sigaw ko.

"Ayumi, Let me Explain." Sabi ni Kiel.

"No Thanks, ako nalang ang mag-explain for you. Ex mo si Cy at noong iniwan ka niya, ginawa mo akong rebound. Tapos ngayong bumalik na siya, iniwan mo na ako. Yun lang naman yun eh, Kiel." Galit ako. Sobrang Galit. 

"Hindi kita ginawang rebound, Ayumi. Totoo ang pagmamahal na binigay ko sayo." -Kiel

"Ah, Gets ko na. Bumalik ang feelings mo para kay Cy, Tama ako diba? May pa-halik halik pa nga kayong nalalaman sa Cinehan eh. Nahiya naman ako sa picture niyo sa Dyaryo." Hinampas ko sa kanya yung Tabloid na pinadala sa bahay namin kaninang umaga. 

Galit ako, Galit na Galit. "Sige na, paniwalaan mo na ang gusto mong paniwalaan. Ang mahirap kasi sayo, hindi ka marunong makinig. Kahit anung paliwanag ang gawin ko, mas pinaniniwalaan mo yang mga hinala mo." Sabi niya sa akin. "I Guess this is goodbye, I wish your marriage life well." 

And with that, the man I loved for two years walked away from me, leaving my heart crushed into millions of pieces. Akala ko dati kalokohan lang yung mga drama nila sa TV kapag nagb-break sila, totoo pala yun. Nakakabaliw pala talaga yung sakit.

Parang nawalan ako ng ganang mabuhay. Bumalik ako sa classroom namin, may klase pa kasi. *Sigh* Ang bigat ng pakiramdam ko. Na-guilty din ako sa mga sinabi ko. Sana pinakinggan ko pala siya. 

Napatigil ako sa pinto ng classroom namin at nagkatinginan kami ni Yanna. Matagal-tagal rin siyang hindi pumasok. Bigla akong naluha. "Nana..." Sambit ko. 

Nginitian ako ni Yanna. Tumayo siya sa kinauupuan niya at niyakap ako. Sa mga ganitong panahon, ang bestfriend ko ang kailangan ko. Wala ng iba. "Shh, tahan na. Mag-cutting na tayo." 

 ***

"Anong balak mo ngayon, Mimi?" Tanong ni Yanna sa akin pagkababa niya ng shot glass niya. Baliw na 'to eh, naging lasinggera. "I told you so." 

"Oo na, Ikaw na ang tama... Hay, ang sakit ng ulo kooo!" Sabi ko sabay shot. Gusto kong takasan 'tong problema ko dahil hindi ko alam kung paano lulutasin.

"Alam ko na! Remember when I broke up with Gabriel? Why don't we do the same thing." Suggest ni Yanna. Ang ibig niyang sabihin ay yung Great Escape niya. Bigla-Bigla nalang akong kinaladkad niyan sa airport. Akala tuloy ni Mommy kung napano na ako. Pumunta kami ng Europe nun eh. 

Napa-ngisi ako. "Game." Kinuha ko yung laptop ko at pumunta sa website ng PAL. Hindi pa naman ako ganun ka-lasing kaya aware pa naman ako sa mga ginagawa ko. 

Umupo si Yanna sa tabi ko at nakitingin sa screen. "Mimi, mag-Hawaii kaya tayo o kaya South Korea! Madaming papables dun! Hihihihii~" Kinilig naman si Yanna, loka loka! 

"Ang common naman, Nana. Hanap tayo ng iba." Nag-scroll scroll ako at nagcheck ng mga blogs kung saan magandang pumunta at pagkatapos ng tatlong oras ng paghahanap... 

"SA VIETNAM!" Sigaw namin ng sabay ni Yanna. 

Pagkatapos naming magpa-book ng flight, nag-impake na kami. 11am palang naman at wala pa sa bahay si Chiro kaya makakaalis ako ng walang nakakaalam. Mwahahahaha! 

Pero dahil ayokong atakihin sa puso ang buong pamilya ko, nag-iwan ako ng note sa Ref namin. "I'll be back, don't worry. -Ayumi." 

Arranged Marriage From HellWhere stories live. Discover now