Chapter 35: Nothing Happened, Period.

40.1K 489 74
                                    

AYUMI'S POV

Kung nage-expect man ang buong kalangitan at lupa na may mangyayari, nagkakamali kayo. Nothing happened, Period. Alam niyo kung bakit? 

Nakatulog kasi ako sa bathtub. 

Oh diba? Ang saya ng buhay ko. 

Kasalukuyang nagpa-park si Chiro ng kotse. Nandito na kasi kami sa Hot spring resort na nirentahan ng company namin. Lumabas na ako ng kotse habang nagpa-park siya kasi sumakit yung pwet ko sa sobrang haba ng drive. 

"Ayumi!" Napalingon ako at nakita kong nakakaway habang naglalakad si Kuya Gab papunta sakin. Peste talaga 'tong kapatid ko, napaka walang kwenta. Magsasalita na sana ako para sermonan siya nang mapansin kong hindi siya mag-isa. 

Kasunod niyang naglalakad ay si Cassy. Simple lang yung suot niya, maluwag na t-shirt at maong shorts pero ang ganda niya. Peste. Nakakainsecure yung height. Neseye ne eng lehet, memetey ke ne eged. -_____-

"Ayumi, sorry talaga kung hindi ko napansin na wala ka sa bus." Sabi ni Kuya Gab. 

"Hayaan mo na, past is past." Nakasama ko naman si Chiro buong gabi eh. Nginitian lang ako ni Cassy bago siya dumeretcho papunta kay Chiro na kakababa palang ng sasakyan at hinalikan ito sa labi. Ouch, dumugo ribs ko. "Kuya, nandito na ba si Yanna?" 

"Room 283." Sabi niya sakin pero nakatingin siya kay Chiro. "Care to explain?" bulong niya sakin.

"Long story." Sabi ko. 

"I have time." Tss. Nakakabadtrip naman. Masisira kilig ko sa kanya eh. "Una na kami, sunod nalang kayo." Sabi ni Kuya kila Cassy. 

***

"BAKLITAAAA, NANDITO SI CHIRO?! OMAYGHAAAAAD! GRAVITY GUURLLL! HINDI KO MA-TAKE! SHET, YUNG HEART KOOOO!" Tuwang Tuwa na sinabi ni Yanna. 

"Tss. Bakit ba nandito siya?" Tanong ni Kuya Gab.

"Duh, nandito kaya girlfriend niya. Malamang sasama yun." Naiiritang sagot ko. 

"Kailan mo balak sabihin sa kanya yung tungkol kay Kinami?" -Kuya Gab

"Haleeer, paano ko kaya sasabihin? Kita mong may girlfriend yung tao at si Cassy pa yung girlfriend niya. Ang saya diba? Pesteng buhay." Nagtaklob ako ng unan sa ulo. Badtrip. 

"Find a way. Wag mong hayaang lumaki si Kinami ng walang ama." -Kuya Gab

"I am trying! Sa tingin mo ba gusto kong mangyari yun, Kuya? I'm not that selfish." Sagot ko.

Arranged Marriage From HellWhere stories live. Discover now