Chapter 3

1.4K 21 0
                                    

Katabi nya si Alyssa sa canteen

"alam mo bestfriend tanong ng tanong si Paul tungkol sa'yo... sabi nya hindi ka daw nagrereply sa kanya, gusto ka raw nyang tawagan pero nahihiya daw sya..." sabi sa kanya ni Alyssa

"sabi ko naman sayo Alyssa na ayoko pa magka boyfriend..." sagot nya sa kaibigan

"oo sinabi ko nay un sa kanya" natatawang sagot ni Alyssa "pero alam mo halos magi sang taon na tayong naging magkaibigan pero ni-hindi mo nakkwento sakin kung nagkaboyfriend ka... teka nagkaboyfriend ka na ba ha daniella?" curious na tanong ni Alyssa sa kanya

Napatigil sya, tama ito halos mag isang taon na silang magkaibigan, lagi syang inaasar noon at tinatanong tungkol doon pero hindi naman nya ito sinasagot, laging oo lang ang sagot nya at hindi na sya nagkkwento, sanay na si Alyssa sa kanya. Tiningnan nya ang kaibigan, she wanted to tell her everything... pero hindi pa sya handa...natatakot syang mahusgahan.

Tumingin sya sa malayo at bumuntong hininga "nagka boyfriend ako..." panimula nya

"sino? E ngayon kayo pa ba? Kaya hindi ka pwede magka boyfriend at dinadahilan mo lang ang studies mo? Tanong ni Alyssa sa kanya

"h-he was 6 years older than me that time... barkada ni ku—I mean family friend. 2 months lang naging kami, as in official girlfriend boyfriend, but we've known each other since we're little... sya lang ang naging boyfriend ko..." kwento nya kay Alyssa

"what?! Sya lang? so meaning hindi ka pa nakaka move on?" bulalas ni Alyssa

"oo sya lang. move on? I've already moved on... sabi ko naman sa'yo na studies muna..." sabi nya sa kaibigan

"hay sige na nga... hindi na ko mangungulit ng love life mo... naniniwala nakong studies muna... atleast napatunayan kong tao ka pala dahil nagka boyfriend ka na" sabay tawa ni Alyssa

She smiled bitterly.

--

When she got home from school

Tahimik lang si Daniella habang kumakain ng dinner kasama si Rave. She doesn't want to join him for dinner but knowing Rave magagalit ito sa kanya kapag tumanggi sya.

Tumunog ang cellphone ni Rave at sinagot nito iyon.

"hello? Yes?" sagot ni rave sa telepono.

Hindi napigilan ni Daniella ang mapatingin dito dahil hindi na ito kumibo, nakita nyang nakatingin ito sa kanya kaya agad syang nag-iwas ng tingin.

"alright" yun lang ang narinig ni daniella mula dito na sagot nito sa kausap sa telepono at nagkibit balikat na lamang ang dalaga.

I Miss, You and Me..Where stories live. Discover now