Chapter 13

1K 17 0
                                    


Kinabukasan ay hinatid sya ni Rave sa eskwelahan, pababa na sya pero pinigilan sya nito kaya napaharap sya dito, Rave held her face, bahagya syang umiwas ng halikan sya nito sa kanyang labi. Nang bitawan sya nito ay agad syang lumabas ng kotse.

Habang lumalakad sa pasilyo ng eskwelahan si Daniella, ay agad syang sinalubong ni Alyssa.

"Daniella, Natanggap ko na nga pala ang invitation..." sabi nito sa kanya

Napatingin sya dito "invitation?" takang tanong nya sa kaibigan

"hindi mo alam?" balik tanong nito sa kanya at inilabas ni Alyssa mula sa bag nito ang invitation

Kinuha nya iyon at tiningnan... natuon ang paningin nya sa huling mga salita mula sa programa

"Special Announcement".

"Ano kaya yang special announcement na yan?" tanong ni Alyssa sa kanya.

Umiling na lamang sya "h-hindi ko alam..." pabulong nyang sagot ditto kahit alam na nya kung ano iyon.

Halos buong araw wala sa sarili ang dalaga ng dumating ang uwian, naunang nagpaalam si Alyssa sa kanya, habang sya ay hinintay nya ang kanilang driver upang sunduin sya. Napapitlag sya ng tumunog ang kanyang cellphone.

"baby..." mula sa kabilang linya. Nang hindi magsalita si Daniella ay nagpatuloy ito "hindi ka daw masusundo ni Mang Andoy" ang tinutukoy nito ay ang kanilang driver "neither did I, please ride a cab"

"o-okey" maikling tugon nito

Nagsimulang maglakad si Daniella palabas ng University. Ilang minuto na syang nakatayo sa may waiting area pero hindi nya alam kung bakit walang dumadaan na kahit na anong sasakyan.

Nagulat na lang sya ng may humintong sasakyan sa kanyang harapan, she recognized it, ito yung sasakyan na pinahiram ni Rave kay Yvette. Pero nagulat sya ng bumungad sa kanya ang nakangiting si Grey, her heart skip a beat nang Makita nag klase ng ngiting iyon.

"Buti at naabutan pa kita dito Daniella, ang sabi kasi nung Guard kanina ka pa daw nakalabas ng University...halika na para makauwe ka na" sabi ni Grey sa kanya

"p-paano mo nalaman na walang susundo sakin?" tanong ni Daniella sa binate.

He smiled again "Manang Luz told me na hindi ka masusundo ni Mang Andoy..."

She hesitated, natatakot sya sa pwedeng mangyari kapag sumama sya kay Grey, bukod sa natatakot sya kay Rave at kung anong pwedeng gawin nito sa kanya, ay natatakot din sya na magpatuloy ang nararamdaman nya para Grey, dahil alam nya sa sarili nyang mahal pa rin nya ito.

"hey... Daniella... halika na, mag gagabi na... " yaya nito sa kanya

"p-pero Grey—" bago pa man sya nakapag protesta ay bumaba ito ng kotse at inalalayan sya papuntang Passenger's seat.

I Miss, You and Me..Where stories live. Discover now