Chapter 16

1K 16 0
                                    

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" sigaw ni Rave dito at inundayan ito ng suntok. Napa atras si Grey at muntik ng mawalan ng balanse, nang makabawi ay sinuntok din nya ito

"Yan para sa pagpapahirap mo kay Daniella!"

Nilapitan nila Yvette at Daniella ang dalawa upang awatin ang mga ito

Itinulak ni Yvette si Daniella "you bitch! Kasalanan mo ito eh!" sigaw ni Yvette sa kapatid

"Tama na Rave ano ba! Grey!" sigaw ni Yvette ng hindi pa rin tumitigil ang dalawa

"R-rave..." nanginginig na tawag ni Daniella "t-tama na..." hinatak nya si Rave habang ang kanyang ate Yvette naman ang humatak kay Grey

Masamang tiningnan ni Rave si Daniella, hinawi ni Rave ang nanginginig na kamay ni Daniella na nakahawak sa braso nya at nang bumitaw ito ay sya na ang humawak sa braso nito.

"R-rave..." nasasaktan si Daniella sa paraan ng pagkakahawak nito sa kanya

"Let go of her nasasaktan si Daniella" sabi ni Grey na kasalukuyan paring pinipigilan ni Yvette

"Yvette! Umalis na kayo!" pagtataboy ni Rave

"Isasama namin si Daniella!" sabi ni Grey, and that Enraged Rave more.

"Who told you that you can bring her? Ako ang legal guardian ni Daniella, Grey..." mariing sagot nito

"Dammit! Yvette mas may karapatan ka sa kanya, ikaw ang kapatid ni Daniella..." baling ni Grey kay Yvette

Nag-iwas ng tingin si Yvette "let's go Grey..."

"Ano ba Yvette... iiwan mo ba ang kapatid mo sa kanya?!" naiinis ng tanong ni Grey

Napasinghap si Daniella ng makitang bumunot ng baril si Rave at itinutok kay Grey

"R-rave tama na..." mahinang pakiusap ni Daniella ngunit hindi sya nito pinakinggan

"Umalis na kayo!" mapanganib na sigaw ni Rave

"Geez! Grey please let's go..." pakiusap ni Yvette dito "Rave ano ba?! Ibaba mo nga yan! Aalis na kami!"

"Aalis kami na kasama si Daniella!" sigaw ni Grey

Matalim na tumingin si Rave kay Grey.

"G-grey..." nanginginig na tawag ni Daniella "s-sige na umalis na kayo please..."

Lumambot ang expresyon ng mukha ni Grey ng bumaling kay Daniella "Daniella.."

"Dammit! I said get out!" sigaw ni Rave

"R-rave... please ibaba mu na yang baril... h-huminahon ka..." natatakot na sabi ni Daniella kay Rave

"Ano ba Grey!" sigaw ni Yvette kay Grey "Tara na... hindi nya sasaktan si Daniella...!"

Hindi ito pinansin ni Grey "Wag na wag mong sasaktan si Daniella..." mariing sabi ni Grey

"G-grey sige na.. h-hindi ako sasaktan ni Rave..." pakiusap ni Daniella kay Grey

Nagpahila si Grey kay Yvette palabas ng bahay na iyon, kahit mabigat sa kalooban nya ang pag-iwan sa dalaga.

Nang makalabas sila Grey at Yvette ay kumawala ito sa hawak ng huli.

"Bakit hinayaan mo si Daniella sa lalaking iyon?! Yvette kapatid ka nya..." mariing tanong ni Grey kay Yvette

"Nakita mo ng tinutukan ka nya ng baril Grey! No one can stop him in keeping Daniella... Ano ba?! at isa pa hindi nya sasaktan si Daniella!" sagot ni Yvette

"He's already hurting her!" sigaw ni Grey sa kanya

"Umamin ka nga! Mahal mo pa ba ang kapatid ko?!" sigaw ni Yvette

"oo Yvette! Mahal ko si Daniella!" sagot ni Grey

Napatigil si Yvette. "Wala ka ng magagawa Grey, she's bound to marry him kahit na anong mangyari... wala ng patutunguhan yang nararamdaman mo!" and she walked to the car.

Naiwan nakatulala si Grey.

I Miss, You and Me..Where stories live. Discover now