EPILOGUE

1.9K 32 0
                                    



Nakauwi na si Yvette galing states dahil nagkaroon ng opportunity na dito na lamang ituloy ang kanyang pagmo-modelo.

"Daniella, tingnan mo nga ito..." nakangiting sabi ni Yvette sa kanya

Nasa opisina kasi sila ng sikat na fashion designer na si Elizabeth Corazon, kasalukuyang nagsusukat si Yvette ng Wedding gown collection na itatampok sa Runway show na gaganapin ilang weeks mula ngayon.

"Ate Yvette maganda yang suot mo bagay sayo..." masayang saad ni Daniella

"Talaga? Pero ipili mo nga ako nang sa tingin mong maganda... isipin mo na lang ikaw yung magsusuot..." saad ni Yvette

"Puro magaganda ang mga collections ate... lahat naman ata babagay sa'yo..." sagot nya sa kapatid

Nakangiting bumaling sa kanya si Elizabeth Corazon "Special sa'kin ang show na ito iha, kaya pinapapili ko ang magiging star of the night ng pinaka gusto nyang suotin..."

"Oo nga Daniella, kaya ikaw ang gusto ko pumili para maging special ang gabi ko..." dagdag naman ni Yvette

Pinasadahan ni Daniella lahat ng collections sa kanyang harapan. Puro magaganda ang nasa harapan nya pero may pumukaw sa kanyang atensyon

Simple white long gown iyon, off shoulder long sleeves na may intricate design, habang ang laylayan nito ay parang mga white petals.

Nakangiting lumapit naman sa kanya si Elizabeth "eto ba? Ito yung latest na gawa ko, hand made ang pagkakagawa sa sleeves nyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakangiting lumapit naman sa kanya si Elizabeth "eto ba? Ito yung latest na gawa ko, hand made ang pagkakagawa sa sleeves nyan... ako mismo ang gumawa nyan..."

"Maganda sya Ms. Elizabeth..." habang nakatingin pa rin sa gown

"gusto mo bang isukat?" tanong sa kanya nito

Napatingin naman sya dito "s-si ate Yvette na lang po... mas babagay sa kanya yan..." nakangiting tanggi nya rito

"sige na Daniella... para makita ko yung itsura kung sakaling maisuot ko na... please..." nakangiting pakiusap ni Yvette sa kanya

Hindi na tumanggi pa si Daniella, afterall gusto nya ring sukat iyon... dahil ito talaga ang pumukaw sa kanya sa lahat ng collections na nakita nya, She's wondering if she could wear it on her wedding. Napangiti sya nang maisip ang magiging wedding nya kung sakali, pero mukang sobrang busy ni Grey at hindi man lang nito nababanggit ang tungkol sa kasal nila, nalungkot sya ng maisip iyon.

Agad syang dinala ni Elizabeth upang tulungang isuot ang gown, ilang minuto pa

"Yan iha okey na..." nakangiting saad sa kanya ni Elizabeth

Nakatitig sya sa kanyang repleksyon, parang sinukat iyon sa kanya

"Ms. Elizabeth... ang ganda..." nakatitig pa rin sya sa repleksyon nya

"parang sinukat sa'yo iha a..." nakangiting sagot sa kanya ni Ms. Elizabeth.

Paglabas nya ng fitting room ay agad napatayo si Yvette

I Miss, You and Me..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon