Chapter 9

1.1K 20 0
                                    


Maagang natapos ang photoshoot ni Yvette, nagyaya syang kumain sila ni Grey sa labas, she don't want to see her sister habang kumakain at baka mawalan sya ng gana. Tahimik lamang sya sa sasakyan habang binabaybay nila ni Grey ang daan pauwe.

Flashback

"Ano ba naman ito Yvette?! Why did you failed on this subject? Lagi ka lang ata nagbubulakbol... bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo? Walang bagsak at nangunguna pa sa klase?" sermon sa kanya ng kanyang ama

Napatingin naman sya sa kapatid at abala lang sa pagkain ng cake nito bahagya nya itong inirapan at muling hinarap ang ama

"Dad... mahirap naman talaga yung math eh! Ang gulo pa magturo ng prof namin...!" reklamo nya dito

"hindi naman mahirap kung nag-aaral ka maige... pwede mo naman linawin sa prof mo kung hindi maiintindihan eh..." sermon ulit nito sa kanya

Napabuntong hininga sya sa pagsuko "alright dad, I'm sorry hindi na ito mauulit..."

Napatingin ulit sya sa kapatid na ngayon ay nakatingin na sa kanya, inirapan nya lang ito bago umakyat.

Hindi nya alam dahil naiinis sya parati pag pinagkokompara silang dalawa kahit ilang taon ang agwat nito sa kanya. Naiinis sya sa kabaitan ni Daniella kaya madalas ay nauuto nya iyon, hindi nya magawang isipin na magpakabait tulad nito dahil magiging sobrang boring ng buhay nya pag nangyari iyon.

She failed some of her subject dahil mas inaatupag nya pa ang pag paparty, ayaw na nga nyang mag-aral eh mas gusto nya pang mag modelo, gusto sana nyang tanggapin ang alok ng kaibigan nya na maging modelo, pero nang tangkain nyang magpaalam sa mga magulang nya ay hindi sya pinayaganng mga ito, mabigat man sa kanyang loob ay tinanggihan nya ang offer, and she hated it.

Lalo nyang ikinainis ay ng napapansin nya na laging magkasama si Grey at si Daniella, they have the same school yun nga lang lower batch nila si Daniella kaya nakikita nya ang mga ito. alam nyang nagtatago ito mula sa kuya nila—oh well alam din nyang ampon lang si Rave, matagal na nyang ampon ito ng hindi nya sinasadyang makita ang adoption papers nito pero hindi sya kumibo tungkol dun. Alam nyang magiging bentahe nya iyon against her sister.

Isang gabi ay nakatanaw sya sa may Teresa ng mamataan ang nakababatang kapatid, bahagya syang nagtago dahil nagpalinga linga pa ito sa kanilang bahay na wari'y ba ay tinitingnan nito kung may tao.

Nakita nya na bumaba rin si Grey at inihatid sya, nasa labas lamang sila ng gate ng kanilang mansion, she became furious when she saw Grey kissed her sister, nang umalis si Grey ay nakita nya rin kung paano ito pagalitan ni Rave, napangiti sya at naisip na may kakampi na sya, pero lalo syang nagalit nang malaman na may relasyon na si Grey at Daniella, pero alam nyang matutulungan sya ni Rave.

Napahinto sya sa pagbabalik-tanaw ng nasa harapan na nya si Grey at pinagbuksan sya ng pinto ng kotse

"hey andito na tayo Yve... tara na sa loob at para makapag pahinga ka na rin..." sabi ni Grey sa kanya

Hindi nya napansin na nasa loob na sila ng garahe ng mansion. Bumaba na sya ng kotse at nagtuloy tuloy na sa loob kasabay si Grey. Mabuti na lamang at hindi nya natanaw ang kapatid, agad silang pumunta sa kanilang kwarto.

I Miss, You and Me..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon