Chapter 24

100K 2.7K 104
                                    



—Chloe's POV—

"Guys, kami na ni Liam," Carolline announced. She looks so happy pero si Liam naman ay mukhang inutangan. Parang hindi masaya. Parang hindi gusto ang nangyayari. Sabagay, iba ang mahal niya.

"Wait. Akala ko kayo ni Chloe," napatayo pa si Cheenie sa kinauupuan. Inihilig ni Caroline ang ulo sa balikat ni Liam habang ang mga kamay ay nakapulupot sa braso nito. Nakatayo ang dalawa sa pinakadulo ng mahabang mesa.

"Maraming namamatay sa maling akala, Cheenie. Ang dami kasing tanga. Akala mo kaibigan mo pero traydor pala—"

"Caroline!" Saway ni Liam. Alam kong ako ang pinapasaringan niya. Tumingin sa 'kin si Cheenie at kapagkuwan lumipat ang tingin niya kay Evo na katabi ni Dyllan. Si Kelly naman ang katabi ko.

"Liam, apo." Lumapit si Governor William Montemayor, ang lolo ni Liam. Pero ang tawag namin sa kanya ay Senyor.

"Lolo!" Magiliw na lumapit si Caroline sa matandang kasama ni Senyor William.

"Magkakilala pala ang mga apo natin, Alfie," sabi ni Senyor.

"Hindi lang po magkakilala, lolo. Liam and I are officially together," Carolline said, clinging on Liam.

"Really? That's good, Caroline." Proud na sabi ng lolo nito. Inakbayan ni Senyor si Liam.

"Siya ang susunod na magiging gobernador ng San Felipe, 'di Liam?" si Senyor.

"At mukhang ang apo ako ang magiging first lady," sinundan naman ng lolo ni Caroline, sinundan pa ng tawa.

Si Liam naman ay walang ibinigay na reaksyon. Parang nababagot sa takbo ng usapan.

"May political campaign slogan na po 'yan si Liam, Senyor, kapag tumakbo siya sa eleksiyon," singit ni Enzo.

"And that is?"

"I don't love, I Just fuck!" Sabi ni Enzo sabay tawa nang malakas. Kahit ang iba naming kasama sa mesa ay nagsitawanan. Nangunot ang noo ng dalawang matanda. Ang tawanan ng grupo ay unti-unting humina dahil sa sama ng titig ni Senyor William.

"They were just kidding, lolo. Liam loves me and we will get married in the right time, right baby?" sumimangot si Liam. Bakit parang napipilitan lang siya?

After the conversation with the olders, Liam and Caroline left and went somewhere. I decided to find Liam and talk to him about Caroline. Nakita ko siya malapit sa may Gazebo kausap si Caroline. It seemed like there is an argument happening between them. Lumapit ako pero hindi ko na natuloy ang paglapit ko nang marinig ko ang usapan nila.

"Don't act as if you never knew that I don't love you, Caroline! Ginagawa ko 'to para kay Chloe! Pumayag akong maging tayo para protektahan si Chloe. Sa oras na ipagkalat mo ang tungkol kay Evo at kay Chloe tapos na rin tayo!"

"Bakit ba hindi mo ako magawang magustuhan, Liam?"

"Hindi nadidiktahan ang puso, Caroline. Dahil kung pupuwede lang, ikaw na lang sana ang pinili kong mahalin, pero hindi 'yon ang nararamdaman ko. Sana rin matoto kang tumanggap ng katotohanan."

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon