Chapter 12

121K 3.1K 149
                                    

-Chloe's POV-

I love you! I love you I love you! Argh! His three words are still echoing in my mind. Loudly. Imposible namang mahalin niya ako ng gan'on kabilis. Wala pa ngang isang linggo ang pagiging mag-asawa namin e. Evo naman kasi bakit mo ba 'yon sinabi?

"Arggh!" I grabbed the pillow, shoving my face into it.

"Baby love." Napaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Evo, mabilis akong napalingon sa may pinto.

"Baby love!" Mariin kong naipikit ang mata ko at nakagat ang pang-ibabang labi ko sa sobrang pagkapahiya dahil sa sinabi ko. Evo was leaning against the corner of the door, grinning.

"I mean.. Evo," bawi ko sa sinabi ko at halos hangin lang ang lumabas sa bibig ko.

"Anong problema? Bakit hindi ka mapakali d'yan?" tanong niya at umalis sa pagkakasandal. Sinara niya ang pinto at lumapit sa kama at umupo.

"Wala, hindi kasi ako makatulog? Ikaw, bakit gising ka pa, late na ah?" tanong ko sa kanya.

"Matulog na tayo," aniya sabay higa sa kama ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Matutulog."

"Dito?" tinuro ko ang sarili kong kama, nakangiti siyang tumango.

"Bakit dito?" Inunan niya ang mga braso niya.

"Pwede bang tabi na lang tayo? Takot kasi ako sa 12 o'clock e, lalo kapag ganitong maulan." Pinangunutan ko siya ng noo.

"At bakit naman?"

"Witching hour," ngumiti siya sabay dapa.

"Witching hour ka d'yan! 3 am 'yon. Sige na lumabas ka na." pagtataboy ko sa kanya. Ibinaling niya ang ulo paharap sa 'kin habang nakadapa pa rin siya.

"It's witching hour for babies, and I'm your baby love, I heard you called me baby love earlier." Bahagyang napaawang ang labi ko sa tinuran niya.

"Nagulat lang kasi ako and please, don't consider yourself as a baby." Kaya mo na ngang gumawa ng baby eh. Dugtong ng utak ko at hinding hindi ko 'yon isasatinig.

"Please! Ikaw nga natulog sa kwarto ko hindi naman ako nagreklamo e. Please!" He pleaded with matching puppy face. Oh Jesus! Bakit ang cute ng nilalang na 'to? Ang makakapal niyang kilay na bumabagay sa maitim at may kapungayan niyang mata. Ang tangos ng ilong, ang mga labing hindi naman manipis pero hindi rin makapal. Saktong pagkakahulma talaga!

"Perfect!"

"Alin ang perfect?" nahimasmasan ako sa pagpapatansiya nang bigla siyang magsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko, parang nabikigan ako bigla. Bumangon siya humarap sa 'kin. Marahan niya hinawi ang hibla ng buhok at inipit sa likod ng tainga ko.

"Ako alam ko kung ano ang perfect. And that's you, you're more than perfect to me."

Chloe huminga ka baka himatayin ka na lang bigla! Lalo akong parang nahirapan huminga nang lumapit pa siya sa 'kin. Hinawakan niya ang baba ko at ang mata niya ay titingin sa mata ko at bababa sa labi ko.

"I'm the luckiest man on earth because I have a perfect wife." His thumb finger gently caressed my lower lip.

"Chlow," he whispered my name.

Napapikit ako ng tumama ang mabango niyang hininga sa tungki ng ilong ko, pero muli akong napadilat nang maramdaman kong dumampi ang labi niya sa labi ko. Isang masuyong dampi lang iyon pero para akong dinala sa alapaap.

"Chlow, I..."

"Evo, wait lang, wait lang." I clambered out of the bed, grabbing a pillow and turned away from him.

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Where stories live. Discover now