Chapter 10

113K 2.6K 94
                                    

-EVO's POV-

HAWAK ko ang payong habang nakaakbay ako kay Chloe at sabay kaming pumasok sa kabahayan.

"Bakit ba kayo nagpakabasang dalawa? Baka magkasakit kayo niyan," sabi ni Nana Selia na kasunod namin sa pagpasok na siyang nagbukas ng gate. Kinuha niya ang payong mula sa 'kin.

"Chloe." Sabay naming naibaling ang ulo namin sa salas nang may marinig kaming tumawag kay Chloe.

Dumiin ang pagkakahawak ko sa balikat ni Chloe nang makita ko si Junjie na nakatayo.

"J-Junjie, anong ginagawa mo dito?" Tarantang tanong ni Chloe.

Sa halip na sumagot si Junjie sa tanong ni Chloe ay bumababa ang tingin nito sa kamay kong nakapatong sa balikat ni Chloe at sabay pukol sa 'kin nang matalim na titig. Agad na inalis ni Chloe ang kamay ko.

"Bakit kayo magkasama? Bakit ganyan ang itsura niyo?" Junjie stepped towards us. Nilingon muna ni Chloe si Nana Selia na parang naguguluhan ang itsura, pero umalis din at nagtungo sa kusina. May nasabi kaya si Nana Selia?

"Um.. Hinatid lang ako ni Evo. Bakit ka nandito?"

Muli akong pinukol ng tingin Junjie bago bumaling kay Chloe at ngumiti. Hinawakan niya si Chloe sa pisngi gamit ang isang kamay, may hawak naman siyang paper bag sa isang kamay.

"Namiss kita. Sabi ni Cheenie nabasag daw ang phone mo, that's why I bought you one," inangat niya ang paper bag na nasa kamay.

"Thanks, Evo sa paghatid sa girlfriend ko. Pwede ka nang umalis," hindi ako kumilos at sinalubong ko lang ang titig niya. Anong karapatan niya para paalisin ako?

"Sige na Evo, salamat sa paghatid?" doon lang naputol ang sukatan namin ng titig nang magsalita si Choe. Napabuga na lang akong ng hangin. Labag man sa loob ko ay lumabas na lang ako. Gusto ko pa sanang makausap si Chloe tungkol sa nangyari pero ngayon pa talaga dumating si Junjie.

**

NAGTUNGO na lang ako sa bahay at nagshower. Kinuha ko ang towel at agad na itinapis sa baywang ko pagkatapos kung tuyuin ang katawan ko. Lumabas ako ng banyo at nabungaran ko si Kelly na nakaupo sa kama na mukhang kanina pa naghihitay sa paglabas ko.

"What happened?" she asked at umupo ako sa tabi niya.

"Evo, please. Alagaan mo naman si Chloe. Don't make a promise kung hindi mo kayang tuparin. Malungkot ang buhay ni Chloe alam mo ba 'yon?" nangunot ang noo ko sa sinabi ni Kelly.

"Chloe lives almost alone. Si Nana Selia lang ang lagi niyang kasama simula nang lumipat sila dito sa Manila. Noong nasa Bataan sila, ang lolo at lola lang niya ang madalas niyang kasama. Busy lagi ang mommy niya sa work, madalas mag-isa siyang kumakain. Alam mo bang nagiging masaya lang 'yon when we were around her. Ni Hindi niya naranasan mag-birthday na makasama niya ang mommy niya. Nakakasama niya yes, pero kung hindi patapos na ang party, e tapos na talaga darating ang mommy niya na hindi man lang natin naranasan," mahabang paliwanag ni Kelly.

"She hates rainy days, she hates rain. Ulan daw kasi lagi ang dahilan kung kaya namumuti ang mata niya sa kakaantay sa mommy niya. Lalo na daw noong Seventh birthday niya."

Napayuko ako at napasabunot sa sarili kong buhok. Ngayon dinagdagan ko na naman ang bad memories niya. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nangyari. Sana lang Hindi na maulit pa 'to. I'll do everything para hindi na maulit pa 'to.

"I know you don't love her, si Cheenie ang mahal mo. Itutuloy niyo ba talaga ang annulment--"

"No! Hinding-hindi ko gagawin 'yon." Mahal ko si Chloe and I'll do everything para mahalin niya ako. Pero paano niya ako mamahalin kong palpak na agad ako.

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Where stories live. Discover now