Chapter 3

125K 2.9K 47
                                    

Sino nga ang nag-ask ng dedication nito? Nakalimutan ko. hehe!!

_______


Chloe's POV


"Aaahhhhh!" Napatili ako ng husto ng i-announce ng emcee na kami ang nanalo sa science fair. 

"Oh my god, Evo! We made it!" napayakap ako sa kanya habang tili nang tili. Pero na tigilan ako dahil sa ginawa ko. Nakayakap din sa 'kin si Evo. Dahan-dahan kong inilayo ang mukha ko hanggang sa maging magkaharap ang mga mukha namin. Nagtagpo ang mga mata namin. Napapalunok ako dahil sa titig niya. Galit kaya siya? Hindi man lang ngumiti. Nakayap pa rin ang mga braso ko sa balikat niya at ang ang mga kamay niya sa baywang ko. Parang hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nakaka-hypnotize ang paraan nang pagtitig niya.

"Congrats!" bigla akong parang nahimasmasan sa biglang paglapit ni Cheenie. Agad akong bumitaw kay Evo. Kinawit ni Cheenie ang kanyang kamay kay Evo. 

"Wala talaga kaming panalo kapag kayo ang nag-pair. Both of you are perfect partner," komento ni Cheenie.

"But we are perfect couple!" then she added followed by her pent-up-chuckle. She's definitely right. They're perfect together.

"And we aswell. Perfect together!" singit ni Junjie at umakbay sa 'kin.

"Yeah, right. But we have a problem and  we need to  fix it," Cheenie said. 

"Problem?" patanong kong wika. Cheenie just nodded.

"Let's go. We need to talk," hinila na ni Cheenie si  Evo na bakas din ang pagtataka. Nagtatanong na sulyap ang binigay ko kay Junjie. He just smiled and he gently grabbed my chin between his thumb and index finger.

"We're going to explain," he said, giving my chin a little squeeze. Giniya niya ako palabas ng pavilion habang nakaakabay siya sa 'kin. Nagtungo kami sa school garden. Nakaupo na si Cheenie at Evo sa  swing seat.  May bubong ito at apat na tao ang pwedeng umupo. Sumakay din kami ni Junjie at umupong magkatabi. Kaharap ko si Evo at Junjie and Cheenie naman. Magkadikit ang mga tuhod namin dahil sa hindi naman ito kalakihan.

"So, anong problema ang sinasabi mo, Cheenie?" Evo asked.

"Diba alam niyo naman na Junjie and I are magkababata. And we both are chinese," me and Evo just nodded kahit mukhang parehas kaming confuse kung ano ang problema doon.

"Sa pamilya namin. Arrange marriage is still existing. At Nakatakda kaming ipakasal ni Junjie someday," nagkatinginan kami ni Evo. Agad naman akong inakbayan ni Junjie at hinawakan ang pisngi ko ng kabila niyang palad at pinaharap sa kanya. 

"Don't worry, Chlow, hindi naman ako papayag. I love you so much, at ipaglalabanan ko 'yon," tumango ako at muling tumingin kay Cheenie at Evo. Mukhang inis din si Evo. Kitang-kita ang pag-igting ng panga niya habang nakatingin sa amin. Nakakagulat naman kasi talaga at nakakainis ang iyon. Pero hindi naman ako nakakaramdam ng inis. Ang weird ko naman!

"Pero sa ngayon hindi pwedeng malaman ng parents namin ang tungkol sa relasyon nating lahat. Kasi kapag nagkataon baka ipadala kami sa ibang bansa or worst ipakasal na kami ngayon pa lang."  Cheenie says.

"Hindi lang 'yan ang problema natin. Nakita tayo ng pinsan ko kahapon sa mall, Evo. Nagsumbong siya sa parents ko. Pero nagdahilan ako na sinamahan lang kitang bumili ng gift para sa girlfriend mo na bestfriend ko," tumingin sa 'kin si Cheenie.

"And that's you Chloe. Sinabi kong ikaw ang girlfriend ni Evo. Pero mukhang hindi sila kumbensido. Kung bestfriend daw kita bakit daw hindi pa kita napapakilala sa 'kanila. And they want to meet you two," napabuntong hininga pa siya. Ano 'yon? Gusto pa talaga kaming makilala ni Evo ng parents niya. 

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Where stories live. Discover now