Chapter 19

109K 2.9K 156
                                    


—CHLOE'S POV—


SINCE Sunday naman ngayon. Inaya namin sila Mannilyn at Troy mag-swimming sa bahay. Umalis si Evo ngayon. Ayaw niya sanang umalis kaso kinulit siya ni Yuan. Sinamahan nila si Yuan sa book signing nito.

"Manny stop that! Mapapagod ka!" Saway ni Troy kay Mannilyn habang nagpapaunahan sa paglangoy si Kelly at Mannilyn. While Troy and I were sitting on the pool side with our feet submerged in water.

"You're just a very caring or OA lang talaga," natatawa kong tanong kay Troy. Hindi na ako na sagot pa ni Troy nang tumalon na ito sa pool at mabilis na lumangoy patungo kay Mannilyn.

"Sabi ko kasi sa 'yong tigilan mo ang paglangoy eh!" Pagalit na saway ni Troy kay Manny pero kapansin-pansin ang pag-alala nito. Parang hinihingal si Manny. Binuhat ni Troy si Manny at umahon gamit ang hagdan. Mabilis akong tumayo at nilapitan si Manny. Troy made Manny set on the steel outdoor chair. She was unevenly breathing.

"Manny, are you okay?" I asked worriedly.

"What happened to Manny?!" boses 'yon ni Enzo at mabilis itong lumapit sa kinaroroonan namin. Umuklo ito at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Mannilyn.

"I'm okay, may hika lang ako," sagot ni Manny at tumawa. Akala ko kung ano na. Napangiti ako nang makita ko si Evo na nand'on na rin.

Mabilis akong lumapit sa kanya para sana humalik pero inabot niya sa 'kin ang pink silk robe na kanina ay nakasampay sa sandalan ng upuan. Nawala ang ngiti ko kasi parang ang seryoso at parang galit siya. Kinuha ko ang roba mula sa kamay niya.

"Isuot mo kung gusto mo lang. Kung komportable kang naka-two piece lang 'wag mong isuot." May nahihimigan talaga akong galit sa boses niya.

Isinuot ko ang robe pero natigil ako sa pagtali nito nang makita ko ang hawak ni Evo sa kabilang kamay. Patay! Nakita na niya ang magazine. Mayr'on pa siyang mga photo card galing sa Sabrina Collection na alam ko makakakuha lang ng ganyan kapag bumili ng items sa mismong shop.

"Evo, let me explain," halos pabulong kong sabi.

"No need! Malinaw naman ang lahat na nagsinungaling ka!" Mahina ang boses niya pero matigas iyon.

"Evo sasabihin ko naman talaga sa 'yo ngayon sana eh." Kinuha ko ang magazine sa ibabaw ng bilog na mesa at pinakita sa kanya.

"Ito oh. I'm going to tell you the truth naunahan mo lang ako!" Natataranta kong sabi. Kelly immediately butts in.

"Evo, 'wag kang magalit kay Chloe. Pinilit ko lang siya. Ako rin ang nagsabing 'wag munang sabihin sainyo kasi—"

"Shut up, Kelly! Lagi naman eh! Kailan ka ba gumawa ng tama?! You've been always stubbornly insisting on doing things your way, kahit nakakaperhuwisyo ka na!" Asik niya kay Kelly. Oh God! He's really mad.

"I know and I'm sorry. I just really want this kasi eh. Alam kung hindi kayo papayag kaya naglihim kami.." Nailing na lang si Evo at tinalikuran kami.

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Where stories live. Discover now